After a decade nakatapak muli sa wakas si Julie Anne sa GMA. After all ito talaga ang isa niya pang tahanan lalo na noong siya pa ay nasa showbiz pa.
"Parang nirenovate ang GMA. Daming nagbago, pero isa lang di nagbago, yung pakiramdam na parang welcome na welcome ka lagi." sa isip isip ni Julie Anne at sinalubong siya ni Ms. A pagkapasok niya palang."I'm so glad at bumalik ka na rin. Kailan ba tayo pipirma ng kontrata?" pangliligaw ni Ms. A sa kanya upang magtrabaho muli sa network na ito.
"Pag-uusapan pa po namin ng family ko. Nabigla nga lang din po ako na tinawag niyo ko lalo na po si Sweet para mainterview. Kahit wala pang contract na involve." nahihiyang turan ni Julie kay Ms. A.
"Pero sana maconsider mo rin, namiss ka namin dito. Di ka naman bago sa amin. Always welcome ka dito. Puntahan mo na si Sweet, hinihintay ka na noon. Malapit na rin magsimula yung show."
"Salamat po Ms. A." tugon ni Julie Anne at pinuntahan na si Sweet.
Nasa hallway palang patungong backstage eh nagsisisigaw na si Sweet dahil natanaw na niya ang dalaga. Agad na agad niya itong niyakap at nagtatatalon sa tuwa.
"Namiss kitang bata ka. Napakaganda mo pa rin kahit ilang taon na ang lumipas. Ilang taon ka na ba? Parang di ka tumatanda. Pabata ng pabata ang itsura mo." maligalig na pagkausap ni Sweet sa dalaga.
"Namiss ko rin po kahyperan niyo haha. Im 38 by the way. Haha." at kulang na lang eh maging kasing laki ni Hulk ang mata ni Sweet sa pagkagulat.
"WHAAAAAAAT?!! 38 ka na sa lagay na yan? Mukha ka pa ring nasa 20's. Saan ang hustisya sa aming hindi man baby face?" natawa na lamang ang dalaga sa sinabi niya.
"Ms. Sweet tawag na po kayo ni Direk, magstart na po within 5 mins." pagsabi ng staff ni Sweet.
"Oo. Susunod na ako salamat." at nginitian ang staff sabay baling kay Julie. " Magready ka sa mga question ko, di ko na sasabihin kung ano mga itatanong ko. Alam ko naman kahit kailan game na game ka sumagot. Mauna na ko. Iguide ka na lang ng mga staff paglalabas ka na." at tinawanan lang ni Julie Anne si Sweet, namiss niya rin talaga ang pagiging makulit nito. Napahinga siya ng malalim dahil sa loob ng sampung taon na namuhay siya sa likod ng camera, ito siyang muli para ibahagi bakit nga ba siya umalis sa showbiz 10 years ago.
***
"Lights, Camera, Go." sabi ng direktor na bestfriend din ni Sweet.
"After 10 years na iniwan ang showbiz, ano nga ba nangyare bakit sa kabila ng kasikatan ay linisan nito ang mundo kung saan marami ang nagmamahal sa kanya? Please welcome, Julie Anne San Jose." pambungad ni Sweet sa kanyang talkshow na Talk to Sweet kasabay noon ang paglabas mula sa backstage ng dalaga na matagal na hindi nakita sa entablado. Sigawan ang lahat ng mga audience at sobrang nananabiku sa pagbabalik ng kanilang idolo.
"Hey sweet. Good morning!" pagbati ni Julie kay Sweet sabay beso rito at naupo sa mahabang sofa habang si sweet naman ay nasa pang-solong sofa.
"And good morning adiks!" dagdag ni Julie, at tuluyang nagwala ang crowd kaua naman tawa ng tawa ang dalaga sa mga reaksyon ng mga ito.
"Good morning talaga, nagkita rin ulit tayo sa wakas. Hyper morning din ito para sa mga fans mo na matagal ka ng inaabangan na bumalik sa entablado. Namiss kita my favorite artist, my baby girl ever since." At nangingilid pa ang luha ni Sweet. "Maraming salamat at pinaunlakan mo ang request ko na dito ka unang lalabas." dagdag pa nito.
"Small things momshie Sweet." Paglambing pa ng dalaga. At napangiti ang lahat pati na rin si Sweet sa pagtawag sa kanya ng momshie ni Julie Anne.