Bago pa mananghalian ay natapos na ang taping ni Sweet sa bahay nila Julie at Elmo para sa interview niya sa mag asawa. Kasalukuyang pinagmemeryenda ang kalog na si Sweet ng mga niluto kanina ni Julie on-cam.
"Napakasarap ng niluto mo baby girl! Bakit di ka magchef?" sabay ninamnam muli ni Sweet ang niluto ni Julie Anne na Afritada ala Julie Anne. Pinaghain niya rin ito ng kakabake niyang cookies na may halong dahon ng malunggay para sa healthy snack na rin ng kanyang chikiting.
"Actually minsan nagluluto ako sa restaurant ni Moe lalo na pag hinihiram ng mga oldies yung mga bata." paliwanag ni Julie Anne sabay bigay ng ginawa niya ring lemonade.
"Nakapunta na ako doon last year eh. Si Elmo pala may-ari.Alam mo kung dito lang ako nakatira? Mas tataba pa ko." tapos ay inupakan naman ni Sweet ang cookies. "Sa pagluluto walang maipintas sayo. Pati ba naman sa pagbebake?!" maloka lokang sabi ni Sweet na sarap na sarap sa cookies.
"Kahit kailan naman, pagbebake talaga gusto ko. Natuto lang talaga ko magluto noong kinasal na kami ni Elmo. Di naman kasi lagi pwede na siya na lang lagi magluluto kagaya nung magboyfriend at girlfriend palang kami. Kailangan kong matuto lalo na nung nagwork rin siya sa isang 5 star restaurant, ni refer lang siya ng Ninang ko doon dahil sayang naman nga raw yung skills ni Moe sa pagluluto kung matetengga lang." at nangalumbaba na sa harap ni Sweet. Aliw na aliw siya rito dahil maganang kumain.
"Huy babae ka. Kung mahal mo anak mo, wag ako paglihian mo. Bahala ka, ikaw rin." sambit ni Sweet nung nakita niya ang mga tingin na pinupukol sa kanya ng ginang kaya natawa si Julie sabay iling.
"Susumbong kita kay Elmo. Naku, di yun makakapayag na ganyan mo ko tignan." sabay tingi ng pabiro na nandidiri sa tingin ni Julie Anne sa kanya.
"Haha! Ang cute mo kasi kumain. Ang gana gana mo." at napaubo pa si Sweet dahil sakto siyang umiinom ng lemonade ng banggitin iyon ni Julie Anne.
"How dare you baby girl? Yang sinasabi mo nakakasakit sa mga baby fats ko." tila nagtatampong sabi nito pero tawa lang ng tawa si buntis sa kanya.
"Napakasaya ko kayo ang nagkatuluyan." pag iiba ng topic ni Sweet, at yung paghagalpak ng tawa ni Julie Anne ay nauwi sa isang matamis na ngiti.
"Thank you. Me too. I'm so happy and blessed to have him as my husband and a father sa mga junakis ko." mas lalo napangiti si Sweet dahil tila kumikislap ang mga mata ni Julie dahil sa saya.
"Padeny deny pa kayo noon sa Don't lie to me segment ng Showbiz Central, kung wala pa sigurong nakahuli sa inyo ni Elmo noon at naglabas ng pic di kami magkakahint na may namumuo na talagang off-screen romance sa inyong dalawa." nanunukso ang tingin ni Sweet dahil narealize niya din na malihim at pabebe pa ang dalawa noong panahon na iyon.
"Lagi naman kaming nahuhuli eh. Sa tweets lang. Yung mga fans mabilis mag SOCO. And then mabilis nila mapagtagpi tagpi ang tweet ni Moe sa tweet ko." natatawa pang kwento ni Julie.
"Grabe ang epekto niyo sa fans niyo." banggit pa ni Sweet at tila nabawasan ang kislap ng kanyang mga mata pagkabanggit ni Sweet ng mga salitang iyon.
"Yes, maybe naaapektuhan kami ni Elmo simula nung nawala yung tandem namin years ago. Ilang years din nila kaming hinintay, sa mga years talaga na iyon, syempre nakikita namin tweets nila, rants nila, frustrations and dream nila para sa amin ni Elmo. Yung kahit wala na ang JuliElmo tandem ay nagtetrending pa rin kami sa social media dahil sa kanila. Makikita mo sa kanila kung gaano sila naaapektuhan simula't sapul nabuwag yung tandem. At di na rin ako nanibago sa mainit na pagsuporta nila noong nagkaroon na ng katuparan yung hinihingi nilang collaboration ko with Elmo. Kasi ever since na nawala man yung tandem kung bakit sila nabuo, yung suporta nila since day 1 ng JuliElmo tandem, as in walang kupas, walang palya kahit di na kami nagkakawork ni Elmo naririyan pa rin sila at walang sawang sumusuporta kaya malaki ang pasasalamat ko talaga sa kanila." at bumalik muli ang nawalang kislap sa mata ng ginang. At natouch si Sweet dahil kita niya kung paano pinapahalagahan ni Julie ang fans simula noon hanggang ngayon.