Comeback (14)

126 7 0
                                    

Nagtitingin sa photo album si Julie Anne sa sala. Tinitignan ang litrato ni Janyca noong nanalo ito sa Little Miss. Yes. Siya ang nakakuha ng title. At ang napanalunang pera ay binangko nila agad para pera sa future ng bata.

Pumasok na ang mga bata sa school. Wala na ring taping si Ellery dahil lumaki na ang role na ginaganapan niya.

"'my, buti pumayag ka na mapasama sa Pepito si Ellery? Akala ko di ka na papayag dahil halos kakatapos niya lang din sa taping niya sa una niyang teleserye." sabi ni Elmo habang nagtitipa sa laptop nya.

Nilingon naman ni Julie ang asawa. "Request kasi ng lahat lalo na nila Mommy P at Mama dahil naging part nga naman daw tayo noon. And syempre gusto ko rin. Namimiss ko nga eh. Masarap silang katrabaho." at dahan dahang ibinaba ni Julie ang paa na minamanas na naman ngayon. Nasa ika 8 months na siya ng pagbubuntis niya, malapit lapit at kabuwanan na niya. Nasa bahay lang sila ngayon para magpahinga dahil gumawa ng baby shower ang pamilya nila para sa darating baby boy nila.

"Gusto mo ba hilutin ko ulit paa mo?" at ibinaba ni Elmo ang laptop sa coffee table nila. At winasiwas naman ni Julie ang kamay sa ere, bilang pagtanggi rito.

"Ayusin mo na lang iyan, tapusin mo na para wala kang iniisip na trabaho mamaya pagkauwi." sabi naman ni Julie at mag aattempt sanang tumayo kaso nabibigatan siya sa tyan niya sabay pa na nagmamanas paa niya.

"Saan ka ba pupunta? Anong gagawin mo at ako na lang gagawa?" sabi ni Elmo at nilapitan na si Julie.

"Maglalakad lakad lang sana dyan sa garden, di ko na maintindihan binabasa ko. Wala na ko sa mood." at napanguso si Julie. Inalalayan naman ni Elmo si Julie na tumayo at maglakad papunta sa garden nila.

"Dahan dahan ka lang ah." sabi ni Elmo dahil tinatanggal na ni Julie ang paghawak sa asawa.

"Opo tatay." pang aasar ni Julie. "Tuloy mo na yung ginagawa mong inventory. Para wala ka ng iisipin mamaya sa party." at nagsimula ng mag ikot ikot si Julie sa garden. May kalakihan ngayon ang tyan niya. Sabi ng mga magulang at mga kapatid nila ni Elmo ay malaking bulas siguro itong pinagbubuntis niya.

Maya maya pa'y narinig niya na si Elmo na tinatawag siya. "'my tumawag na si Mommy. Maggayak na raw tayo. Punta na raw tayo sa venue. Medyo dumadami na daw bisita." pag inform sa kanya ng asawa. Nilapitan na siya ni Elmo at inalalayan na siya para makapunta na sila sa kwarto.

"Mauna ka ng maligo Moe, ayusin ko na yung susuotin natin." sabi naman ni Julie. Umiling naman si Elmo.

"No, di ka na nga makakilos ng maayos, mag isa ka pa maliligo? Sabay na tayo. Wala akong gagawing kalokohan." at nagtaas baba pa ang kilay ni Elmo sabay ngiti ng malapad sa asawa. Binato naman ni Julie ang nakuha niyang unan nila sa kama. Buti ay nakailag si Elmo. Binalik na lang ito ulit ni Elmo sa kama habang si Julie namili ng susuotin nila. At gaya ng napag usapan. Sabay nga silang dalawa naligo pero walang halong kalokohan sabi nga ni Elmo.

"Hello Julie!!!" sigaw ng mga kaibigan ni Julie na naroon ngayon. Mula kay Maqui, kay Barbie at kung sinu-sino pa. Naroon din ang kanyang ate Yan at si Mommy Gladys niya.

"Grabe ang ganda ganda mo!" bungad ni Marian sabay yakap sa kanya. At naalala nito ang tyan kaya napahaplos din ito at nanlaki ang mata.

"Di mo pa ba kabuwanan? Laki ng tyan mo." natawa naman si Julie.

"Around 8 months palang po si baby. Pero malapit lapit na rin. Di na sana kami magpababy shower dahil bigat na bigat ako sa tyan ko at laging minamanas kaya di ako makapag organize ng party. Buti andyan sila Mommy P at Mama, Papa kasama ng mga kapatid namin ni Moe." at hinaplos haplos na lang ni Julie ang tyan dahil naglilikot ito ngayon.

After the Comeback (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon