Abala ang lahat ngayong araw dahil ngayon gaganapin ang gender reveal ng magiging baby nila Julie at Elmo.
"Ayoko na sana ng ganito." pambungad ni Julie sa mga kaibigan at kamag anak na dumalo sa kasiyahang iyon.
"Pero dahil ngayon nga lang kami napirmi rito sa Pinas. Game! Imbitahan ko na rin kayo sa baby shower pag malapit na ko manganak." nagthumbs up ang mga bisita kay Julie Anne.
"Dahil sayang nga naman ang ibibigay niyong gifts sa amin ng new bundle of joy namin." pagbibiro niya sa mga bisita kaya tawa naman ng tawa ang lahat.
"My bundles of joy! Pasok!" pag go signal ni Julie para pumasok na ang tatlong bata na may itinutulak na isang may kalakihang kahon at nakaribbon ng blue and pink.
"Sinong excited?!" sigaw ni Julie at naghiyawan ang mga bisita. Natawa naman si Elmo dahil mukhang namiss na naman ng asawa niya ang humawak ng mikropono.
"Daddy Elmo will cut the ribbons." pag anyaya ni Julie sa asawa at lumapit na si Elmo sa kahon.
"Okay, let's count one to three!"
"One!"
"Two!"
"Three!" at ginunting na ni Elmo ang kahon at biglang lumitaw ang isang pink na lobo. At naghiyawan na naman ang lahat.
"Sabi ko na girl eh!" sigaw ng isang bisita.
"Hep! Di pa po tapos." pangbibitin ni Julie. At natawa ang lahat dahil mukhang naisahan sila ni Julie sa part na iyon.
"Ate Elle, your magic wand please?" at lumapit si Ellery na may hawak na magic wand na may pangtusok sa dulo. Nag signal naman si Julie sa anak na putukin na ang lobo. At sumabog ang isang flour na kulay blue sa paligid galing sa lobong pinutok ng bata. At tuwang tuwa ang lahat.
"Sabi ko na boy eh!" may sumigaw ulit at doon natawa si Julie.
"Yes po. It's a baby boy." masayang anunsiyo niya sa lahat.
"Hi Ate Elle." pagbati ni Julie sa anak na busy maggayak ng gamit sa school bag nito.
"Excited ka na ba for school? Bilis ng panahon. Grade 4 ka na. 2 years na lang, Junior High na papasukan mo. Baby Girl no more." naglulungkut lungkutang sabi nya. Napangiti naman si Ellery.
"Thank you, Mom." at napakunot ang noo ni Julie.
"For what?" at inipit niya ang kumawalang buhok ng bata sa tenga nito sabay haplos sa pisngi. "Napakagandang bata." sa isip isip ni Julie.
"Thank you for allowing me to join showbizness." walang ibang magawa si Julie kundi mapangiti.
"Are you happy?" tanong sa anak.
"Happy kahit po nakakapagod. Nakakapawi po ng pagod yung mga taong sumusuporta sakin, lalo na po kayong family ko. Pati po pag compliments po ang natatanggap ko sa mga boss, parang vitamins na nagbibigay sakin ng energy to give my best always." at doon na niyakap ni Julie ang anak.
"But always remember..." putol na sabi ni Julie para ituloy ng anak.
"Be humble. Don't forget the people kung bakit ako nasa showbiz esp. my supporters. And don't forget to thank the Lord always sa lahat ng achievements na makukuha ko." at hinigpitan pa ni Julie ang yakap sa anak.
"Mommy baka madurog si baby." tila sikip na sikip na sabi ni Ellery kaya niluwagan naman ni Julie ang yakap niya at chinicken kiss ang mukha ng anak. Tawa naman ng tawa si Ellery.
"Mommy yung laway mo po! Hahahaha. Mommy!" pag awat ni Ellery sa mommy niya at tinigilan naman siya ni Julie.
"I love you baby big girl." malambing na sabi sa anak.