Comeback (25)

107 6 0
                                    

It's JuliElmo's 10th Anniversary. Puro ganoon ang lumalabas sa feed ni Julie, mapa Facebook, Twitter at Instagram. Natatawa na lang sila Joanna at Jac sa ate nila ngayon dahil sila kita rin nila ang pagdidiwang ng mga fans.

"Ate, tibay ng JE's. Andyan pa rin kahit wala na ang loveteam niyo ni Kuya Moe." sabi ni Joanna. Umirap lang si Julie sabay browse sa cellphone niya. Dahil pag pinansin niya ang mga kapatid ay tuloy tuloy lang siyang aasarin ng mga ito.

"Tigilan niyo nga muna ang Ate niyo, doon muna kayo sa sala, may pagkain doon dala ng Papa niyo at kakausapin ko itong Ate niyo rito." sabi ni Marivic at sumunod naman ang dalawang bata.

"Mag isang buwan ng sarado ang network kung nasaan si Moe. Nakakapag usap pa ba kayo o kahit yung mga kaibigan mo roon sa kabila?" at napaindyan sit naman si Julie.

"Alam niyo naman po na di na kami nagkakausap ni Elmo, Ma. Matagal na. Nakausap ko naman mga kakilala at kaibigan ko roon, okay lang naman daw sa kanila kahit nakakalungkot. Wala naman daw silang magagawa kundi hintayin kung ano magiging desisyon ng kongreso." sabi na lang ni Julie.

"Pero si Elmo nga nakausap mo ba?" nanunuksong sabi ni Marivic. Napalapit rin sa kanila si Elmo kaya ganito na lang niya kung asarin ang anak.

"Ay nako, Ma ah. Pinaalis mo nga sila Joanna ikaw naman pumalit." nakangusong sabi ni Julie Anne.

"Ay mas malala mang asar niyan ang Daddy mo ah. May naaamoy kami sa UR eh." panunukso ulit ni Marivic sa anak.

"Huh? Ano pong meron?" sabi ni Julie.

"Maghintay ka at tatawag ang mga boss mo sa UR. May proposal sayo na bagong gagawin mo." simpleng sabi ng ina at umalis na sa kwarto. Nakikita ni Julie na masaya ang ina. Masaya naman ito lagi pero iba ang saya nito ngayon.

"Ano kayang meron?" bulong ni Julie at bumaba na. Sinaluhan niya ang mga kapatid na magmeryenda sa sala. Saka naman tumunog ang phone niya. At tama nga ang Mommy niya. Boss nga niya sa UR ang tumatawag. Binawalan naman ni Julie ang mga kapatid na mag ingay.

"Hello po Ma'am. Kumusta po?" bungad ni Julie.

"Magpapameeting sana ako ngayon pero alam mo naman ang situation kaya tinawagan na lang kita. Nagmeeting kami ng mga kasamahan ko rito sa UR and ngayon may proposal kami sa iyo." kinabahan naman si Julie. Di niya alam kung bakit.

"Wag ka mag alala pwede mong tanggihan, pwede ka ring umoo. It's up to you. Pinapatawagan ko pa rin naman sa isa kong kasama yung isa mong makakasama sa collab." wika nito. "Collab naman pala eh, bakit ako tatanggi?" isip isip ni Julie.

"Collab naman po pala. Sige po, kailan po iyan bale? Sa studio po ba?" sunod na sunod na tanong niya.

"Sure ka ng payag ka? Wait lang Juls" at saka narinig ni Julie na may kausap ang ginang. "Oh? Payag na rin? Sinabi mo ba ang lahat?... Pumayag Mommy niya?... Sige sige. Salamat."

"Juls andyan ka pa ba?"

"Yes po Ma'am. Uhm, payag po ako kung collab po iyan." wika ni Julie.

"Payag kang makipagcollab kay Elmo?" at nanigas naman si Julie sa sinabi ng boss niya.

"Po? Elmo?" tipid na sabi niya. Wala siyang mahanap na sabihin.

"Yes si Elmo. Elmo Magalona. Marami na kasing nagrerequest. Di naman iyon lingid sa inyo." sabi pa ng boss niya.

"Uhm. Pumayag po sila, si Ms. Pia?" nag aalangang sabi ni Julie sa dulo.

"Yes. Gulat nga ko biglang pumayag. Diba nagtry ako dati sabi ko sayo kaso naturn down. Kaya di ko na sinabi sa iyo kasi useless. Ngayon feel ko papayag, buti pumayag." masayang sabi nito. Labis labis naman ang kaba ni Julie Anne.

After the Comeback (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon