Comeback (3)

229 11 4
                                    

Another interview day pero hindi na kay Julie kundi kay Elmo naman gaya ng napagkasunduan nila ng kanyang maybahay. Hindi siya sa Kapuso nagpaunlak ng interview dahil nauna siyang tawagan ng team ng Magandang Buhay. Pumayag na rin siya dahil iyon ang naiwan niyang network 10 years ago.

"Are you nervous?" puna ni Julie sa asawa na nagmamaneho. Sinamahan niya ito dahil hiniram naman ng kanyang inang si Marivic ang tatlo nilang anak.

"Kinda. Pero I'm fine. Kinakabahan lang ako sa mga itatanong nila if ever." sabi ni Elmo at napangiti naman si Julie. Ayaw na ayaw kasi ni Elmo sa mga interview na ganoon simula pa before, pero dahil nasa showbiz sila noon ay wala nagawa ang lalaki kundi paunlakan ang lahat ng interview kahit naiilang pa ito. Alam naman natin na lagi nagstutter ang mga sagot ng lalaki sa lahat ng kanyang interviews.

"Just be yourself, naroon lang ako sa tabi ng mga staff near the audience." pagpapalakas ni Julie sa loob ng ginoo.

Agad naman silang nakarating sa dating network ng ginoo at pinadiretso sila ng security sa opisina ng mga boss dahil gustong makausap ni Ma'am Charo si Elmo.

"Hi little Francis M.!" bungad agad ni Ma'am Charo sa dalawa. "And hello to you Mrs. Magalona." dagdag pa nito. Nagbeso beso pa sila at inaya na maupo sa receiving area ng opisina na iyon.

"Masaya ako na dito mo naisipan magkaroon ng interview. Kinulit talaga ako ng tatlong momshies para iguest ka. Kayong dalawa sana kaso nitong recent lang lumabas si Julie sa kabila." mahinhing sabi nito sa mag asawa.

"After all dito naman po ako nanggaling bago ako umalis Tita, and nauna rin po kasi akong naka-oo sa inyo. And time na po siguro to share how happy and lucky I am to have a lovely wife and a wonderful kids." masayang wika ni Elmo habang nakatingin kay Ma'am Charo.

"Nakikita ko nga ngayon kung gaano ka, kayo kasaya ngayon." at masayang nakatingin sa magkahawak na kamay ni Julie at Elmo.

"Anyway, gusto mo ba bumalik sa showbiz? Papaayos ko agad ang mga kontrata." nanghihikayat na sabi kay Elmo. Pero ngumiti ang ginoo sa kanya.

"Sorry Tita, Wala pa po sa isip ko na bumalik ngayon sa showbiz. Masaya po ako na ganito lang kami namumuhay, simple lang habang nasa likod ng camera." mapagpaumanhin ang tono ng boses ni Elmo.

"Iba talaga pag nagkakapamilya. Marami na ring kagaya niyong sikat na tumigil sa showbiz and no regrets until now dahil pinili na lang nilang mamuhay sa likod ng camera."

"No regrets po talaga. Kung papipiliin po ako ngayon, showbiz or family. Family po talaga, wala pong makakapagpabago ng isip ko." at masaya namang napatango tango si Ma'am Charo.

"By the way, feel at home hija, I know di ka na bago dito sa network dahil madalas ka imbitahan pag may game shows na gusto ikaw ang maglaro tska mga interviews." baling ni Ma'am Charo kay Julie at ngitian naman siya ni Julie.

"Thank you po Tita." sabi naman ni Julie.

"Alam niyo naman kung saan yung studio at backstage ng magandang buhay right? Hinihintay na nila kayo doon malamang. May 30 minutes pa naman kayo, and hijo sabihin mo sa mga momshies maging magaan lang magtanong. Para di ka mapressure sumagot." pagpapaalala ni Ma'am Charo kaya napangiti si Elmo dahil kilalang kilala pa rin siya ng dati niyang boss.

"Mukhang bibiglain po nila ako dahil gigil na gigil na po sila nung makausap ko sa phone." may halong kakulitan na sambit ni Elmo.

"Maybe masanay ka na lang haha. Well nariyan naman ang iyong lucky charm sa iyong tabi." nanunuksong turan ni Ma'am Charo. Nangiti na lang ang mag asawa sabay hinalikan ni Elmo ang gilid na ulo ng asawa. Napangiti na lang muli si Ma'am Charo habang nakatingin sa mag asawa.

After the Comeback (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon