May kontrata pa si Ellery sa network pero mabuti na lang ay halos kakatapos lang nito sa taping niya bago pa lumala ang morning sickness niya. Kabi kabila rin ang pagbash pero marami ring sumuporta sa kanya. Kasalukuyan ay kabuwanan na niya. Anytime ay pwede na siya manganak.
"'my parang nahilab na po tyan ko." wika ni Ellery. Agad agad naman inasikaso ni Julie ang anak. Wala si Elmo dahil maraming inaasikaso ngayon dahil sabay sabay naubusan ng stock ang mga restaurant niya dahil sa dami ng costumer nila.
"Nasaan na po ba si Theo?" irita pang sabi ni Ellery.
"Kakalapag palang siguro ng flight niya. Sinabihan ko na siyang dumiretso sa ospital pati na daddy mo." mahinahong sabi ni Julie. Bigla naman gumuhit ang sakit sa tyan ni Ellery at naramdaman niya na basa na ang inuupuan niya.
"'my pumutok na ang panubigan ko. Sumasakit na po siya ng sobra. I kennat." maarteng sabi nito sa dulo kaya medyo natawa si Julie kahit sobrang kaba na siya para sa kalagayan ng anak.
Nagmadali na siya at pagkababa ay agad inasikaso ng ospital si Ellery.
"You can do it Elle. Nandito lang ako. Papapasukin ko na lang sa delivery si Theo pag pinahintulutan ng doktor mo." tumango naman si Ellery habang namamalipit sa sakit.
Agad kinausap ni Julie ang security ng ospital dahil alam niya maya maya ay nariyan na ang media, pagkatapos naman ay ang doktor naman na titingin kay Ellery ang kinausap niya.
Di siya mapakali na lakad parito at paroon sa hallway. Hindi biro ang manganak pag matanda na pero di rin biro manganak pag teenager ka palang kaya labis labis ang pag aalala ni Julie para sa anak. Maya maya pa ay humahangos na dumating si Elmo. Agad naman niyakap ni Elmo ang asawa niya dahil ramdam nito ang kaba ni Julie.
"Hey, relax. Parating na rin si Theo malapit na siya." wika ni Elmo at inalalayan na siya maupo sa upuan sa hallway. Di pa nagtagal ay humahangos na dumating si Theo.
"Tita, Tito." bungad nito na hingal din at nakauniporme pa. Nagmano siya agad sa dalawa. Nang bigla namang lumabas saglit ang isang nurse.
"Ma'am nasaan na daw po si Theo? Lalabas na po yung baby pero ayaw umiri ni Ms. Elle." sabi ng nurse at nagkumahog naman si Theo. Agad siya pinagsuot ng lab gown, face mask sabay pasok sa loob ng delivery room. Strict ang ospital sa polisiya nito kaya dapat sumunod agad.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay narinig nila ang malakas na sigaw ni Ellery at sinundan ng malakas na iyak ng isang baby. Doon naginhawaan kahit papaano si Julie Anne dahil nakaraos na ang anak.
"Mommy yung baby ko po?" pabulong na sabi ni Ellery. Nasa sofa sila Julie at Elmo habang si Theo naman ay nakaupo sa gilid ng kama ni Ellery at nakadukdok. Pagod sa flight nito kaya nakatulog na.
"Dadalhin na ng nurse rito. Nilinisan lang." nilapitan ni Julie ang anak sabay haplos sa ulo nito.
"Salamat sa Diyos at nakaraos ka na. Welcome to motherhood my baby big girl." ngumiti naman si Elle sa ina.
"Mararanasan ko na ngayon kung gaano ko pinapasakit ang ulo mo tuwing makulit at maarte ako." pagbibiro ni Ellery kaya mahinang natawa si Julie maya maya pa'y nagising si Theo.
"Okay ka lang ba? Anong gusto mo?" hindi magkaugagang sabi nito. Napailing na lang si Elmo dahil nakikita niya ang sarili sa binata. Bigla namang pumasok ang nurse.
"Hello po ito na po si Baby Boy. Ano po pala ang pangalan?" wika ng nurse. Di nagsalita si Theo kanina sa kung ano ipapangalan sa anak dahil gusto niya si Ellery ang magpapangalan sa anak nila. Ngumiti namang matamis si Ellery.
"Matthew Moses Magalona-Manzano." napangiti si Theo at Elmo ng marinig ang pangalan. Nailing na lang si Julie sa reaksyon ng dalawa.
"Ganda naman ng name ni baby boy. Puro M! Pwede na raw po idischarge si Ms. Elle bukas. Makipag usap na lang po kayo kay doc sa mga gusto niyo malaman at regarding po sa bills. Sa cashier na lang po." magalang na sabi ng nurse at nilisan ang silid.