Comeback (8)

139 8 0
                                    

Gaya ng routine ng contest na Little Miss Philippines na simula muna sa audition pag natanggap ay papasok na sa contest at pag pinalad ay makakapasok na sa weekly finals. Ganoon ang nangyare sa batang si Janyca na bunsong anak ni Elmo at Julie Anne. Kasalukuyan silang naghihintay ng turn ng bata para sa semi-finals at halatang kabado si Julie para sa anak. Ganito talaga siguro pag stage mom ka sa anak mong sumasali sa isang contest. Mas kabado ka pa sa mismong contestant.

"Bunso, sigurado ka kayang kaya mo yung prod mo?" nag aalalang sambit ni Julie sa anak at sumilay ang ngiti naman ni Janyca para bang pinapakita ang pantay pantay na ngipin na talagang inaalagaan di lamang nilang mag asawa kundi si Janyca na rin mismo.

"Don't be afraid Mom. I can do this. Kakanta at sasayaw lang din naman po ako just like my recent prod here. Love you, Mom." malambing na sabi ng bata na tila pinapalakas ang loob ng ina. Napabuntong hininga si Julie, ikatlong salang na ito ng anak niya di kasali ang sa audition, ay di pa rin mawala wala ang kaba niya.

"Miss Juls, next na po si Little Julie." pagreremind ng isang staff. Little Julie ang bansag ng mga staff dahil kuhang kuha talaga nito ang galaw ng ina at pagkanta noon lalo na nung sumali din ito sa Little Miss Philippines 1998.

"Nak, ikaw na next. Pray first and then enjoy your prod. Kahit ano maging resulta nito, just smile, I know you can do this. Mommy is so proud of you, always remember that. Okay? Jesus in me loves you nak." sabay halik nito sa noo ng anak. Tatango tango naman si Janyca at binigyan ng mahigpit na yakap ang ina.

Pumwesto na si Janyca sa stage at si Julie naman sa harap ng stage para panoorin ang anak. Saglit na yumuko si Janyca na tila nagdarasal at nang matapos ay tinignan niya ang kinaroroonan sabay ngiti rito. At nagsimula na siyang umawit.

When the night has come, and the way is dark,
And that moon is the only light you see.
No I won't be afraid, no I-I-I won't be afraid
Just as long as the people come and stand by me.

Panimula ng tatlong taong gulang na anak ni Julie. Lahat ng naroroon sa Eat Bulaga ay nakikising along sa bibong bata.

Darlin' darlin' stand by me, ooh stand by me Oh stand
Stand stand by me C'mon stand by me stand by me

Lahat ay aliw na aliw sa prod ng paslit. Napapaindak pa nga ang mga ito na halatang enjoy na enjoy kagaya ni Janyca.

If the sky that we look upon
Well should tumble and fall
And the mountains should crumble to the sea
I won't cry, I won't cry, no I won't she'd a tear
Just as long as you stand, stand by me

Nangiti na lamang si Julie Anne dahil nakikita niya talaga ang sarili niya sa anak. Sa way ng pagpeperform nito ay makikitaan mo na narito ang puso ng bata. Mabuti na lamang ay pinayagan rin nila itong sumali sa contest na ito.

Oh darling, darling stand by me, oh stand by me,
Oh please stand, stand by me, stand by me.

Oh darling, darling stand by me, oh stand by me,
Please stand, stand by me, stand by me.
Oh baby, baby

At tuluyan na niyang tinapos ang kanta sabay bow. Lahat ng tao ay masigabong pinalakpakan siya at nagbow muli na parang isang prinsesa na animoy inaaliw lamang ang audience sa kabibuhan niya.

"Ang pinakaaabangan ng lahat. Question and answer. Kung saan makikita at maririnig natin ang katalinuhang taglay ng mga bulilit na ito." pagsimula ni Pauline.

Lahat ng bata roon ay magagaling sumagot, maaaring may halong kakulitan pero natutumbok naman nila ang gusto nilang sabihin hanggang si Janyca na ang tatanungin, bumunot sa questions si Janyca at mahinhing inabot ito kay Ruby.

After the Comeback (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon