"'my di po ba talaga makakapunta si Daddy para samahan ako sa taping?" nag aalangang tanong ni Ellery. Nilingon naman ng pawis na pawis na si Julie ang anak. Sobrang dami niyang inaasikaso sa bahay lalo na ngayong may baby na muli sa pamilya.
"Anak pasensya na. Busy talaga si Daddy mo. Pero darating na si Papa, siya yung sasama sayo ngayon." sabay punas niya sa pawis niya, at inayos niya ang gulo gulo niyang buhok.
"Okay po." matamlay na sabi ni Ellery. Agad namang may bumusina. Binuhat agad ni Julie si Jaq saka sinamahan lumabas si Ellery. Kinawayan na lang siya ng ama at sumakay na si Ellery sa sasakyan. Dali daling pumasok muli si Julie sa bahay at hiniga sa crib ang anak. Nang makitang ayos naman ito ay agad agad siyang pumunta sa laundry area at kinuha ang isasampay na damit ng bunso niya.
Binuhat niya ang anak pagkarating sa sala at tinulak tulak niya gamit ang paa yung laundry basket na naglalaman ng isasampay. Nakarating sila sa likod ng bahay, saka nilapag ni Julie sa duyan ang bata at nagsimula na siyang magsampay. Nang matapos ay dali dali niya ulit binuhat ang bata at nagtungo sila sa sala ulit. Saka siya naglinis sa kusina. Tinatanaw niya lagi ang anak para malaman kung naiyak ba ito o ano.
Maghahanda na sana siya para pananghalian ng biglang may nagdoorbell. Sinilip niya muna ang anak bago nagmadaling pumunta sa gate. Pagkabukas niya ay si Joanna ang naroon. Ibebeso na sana siya ng kapatid pero inawat niya ito.
"Medyo mabaho ako ngayon. Buti napasyal ka?" saka sila pumasok sa loob ng bahay. Agad binuhat ni Joanna ang pamangkin habang si Julie ay binalikan ang ginagawa sa kusina.
"Magkwento ka na. Anong problema?" aniya habang naggigisa.
"Pinapunta lang ako dito. Wala ka raw kasama." simpleng sagot nito, nilingon naman siya ni Julie at tinaasan ng kilay.
"Wag mo kong niloloko. Paborito mong si Ellery ang di mo mauuto." nang pwede niya nang iwan ang niluluto ay tinabihan niya na ito sa sala.
"Grabe ka. Namimiss ko na pala iyon. May pasok?" pag usisa nito.
"Wala. May gagawin daw teacher. Kaya sumingit si direk na magtaping siya para makarami sila ng take ngayon." saka sinandal ni Julie ang sarili sa sofa. Doon niya lang naramdaman ang pagod. Nakita naman ni Joanna ang pasimpleng pagpiga piga ni Julie sa balikat.
"Bakit di pa kasi kayo kumuha ng kasama sa bahay? Losyang ka na." paninita ni Joanna sa Ate niya. Agad naman napasuklay si Julie ng buhok gamit ang kamay at simpleng pinahid ang mukha gamit ang palad.
"Losyang na ba talaga?" at doon tumango si Joanna.
"Masyadong maraming ginagawa eh. Pagkagising asikaso na sa mga bata pati kay Elmo." saka napikit si Julie.
"Di naman ibig sabihin non magpapabaya ka na." sermon niya sa Ate niya.
"Ngayon lang naman ako di nag ayos. Sobra lang kasing dami ng inaasikaso. Puyat pa lagi para magbreastfeed sa madaling araw." sabay tayo at binalikan na ang niluluto.
"Di ka naman ganoon kalosyang pero kung di mo na kaya saluhin ang lahat pwede naman kayo kumuha ng kasama dito sa bahay." suhestyon nito pero umiling lang si Julie.
"Ayoko. Nakaya ko ng sampung taon. Kaya ko rin ngayon. Teka, wag ko ang balingan mo. Tinatanong kita ano problema mo dahil bigla ka nabisita dito." saka binalikan ni Julie ang kapatid sa sofa.
"Wala naman talagang problema. Namiss lang kita. Sayang wala si Jac. Reunion sana ng SJ sisters." at pinanggigilan muli ni Joanna ang bunso ni Julie na si Jaq.
"Wala ka talagang problema?" saka minata sa mata ni Julie ang kapatid.
"Di mo namimiss magwork ate?" biglang tanong nito kaya alam na ni Julie problema ng kapatid.