"'my ready na ko!" sigaw ni Ellery mula sa baba. Agad kinuha ni Julie ang bag agad ng bumaba. Agad naman siyang hinila ni Ellery palabas ng bahay at sumakay na sila ng kotse.
"'my take care. Ako ng bahala kay bunso." sabi ni Elmo na nakatanaw sa kanila habang karga ang anim na buwang bunso nila. Di na niya nahalikan ang baby kaya medyo nalungkot ang mukha ni Julie.
"'my bilis na malelate na ko!" pagmamadali pa sa kanya ng panganay nila. Wala siyang magawa kundi magdrive na pagkatapos niya i-flying kiss sila Elmo at Jaq.
"So energetic ate Elle. Hinay hinay. Save your energy para sa taping." habang patuloy lang sa pagmamaniobra ng sasakyan.
"I'm just excited. Masaya ako na kasama kita ngayon. Madalang mo lang kasi ako masamahan." pahina ng pahina na sabi ng bata. Saglit namang nilingon ni Julie ang anak at nagfocus na lang siya sa kalsada.
"Alam mo naman ang sitwasyon ni Mommy diba? Bumabawi naman ako. Hope you'll understand lalo na pag di ka namin masamahan ng Daddy mo. Lalo na ngayon mas dumadami ang costumer natin sa restaurant, tapos lumalaki na rin si Jaq na mas kailangang lingunin dahil gapang na ng gapang, di naman kayang saluhin ni Ate Lorina yung gawain sa bahay kasama ang pag alaga kay Jaq kaya kailangan ko siyang tulungan. Di naman iyon lingid sa kaalaman mo diba?"
"Yes mommy. Basta masaya ako dahil nandito ka. Sinamahan mo ko. Sana maulit ulit. O kaya mapadalas. Hehe. Sana." nag aalangang sabi nito. Ngumiti lang si Julie dahil di rin niya mapangako sa anak na masamahan ito lagi.
"Hmm. I hope so anak. Pero please be open minded pag di kami nakakasama sayo ni Daddy. Gustong gusto naming samahan ka. Pero you know naman yung situation natin, may mga kapatid ka pa. Si Daddy naman may work para mabili niya yung mga gusto niyo, pagkain natin sa araw araw at bills.
"Naiintindihan ko po iyon 'my." saka ito lumingon sa labas. Nagkibit balikat na lang si Julie at nagfocus na lang sa daan.
Pagkarating na pagkarating nila location ng taping ay tuwang tuwa na sinalubong siya ng direktor na busy magsermon sa mga staff para maayos na mairaos ang taping day nila.
"Hello po direk. Late na po ba si Elle?" sabi ni Julie.
"Nako hindi pa. Punta na kayo sa dressing room. Nang maayusan na siya. Para agad ding makapagsimula." nakangiting wika nito.
"Sige po. By the way, ito po mga cupcakes pang meryenda po para sa lahat mamaya." sabay abot ni Julie sa mga kahong hawak niya. Tuwang tuwa naman itong tinanggap ng direktor.
"Thank you Mrs. Magalona. Namiss namin yung mga gawa mong ganito lalo na yung cookies mo na may halong malunggay? Ay naku. Napakasarap." madaldal na sabi nito.
"Salamat po. Next time po carbonara naman sige." pagsabi ni Julie kaya mas lalo natuwa ang direktor. Tinawag pa nito ang isang staff sabay abot ng mga kahon ng cupcakes.
"Lagay mo sa pantry area pero inote mo mamaya kakainin. Baka upakan niyo ng upakan lalo na pag nagtetake ako. Ako pa di makatikim." galit galitang sabi pa nito pero nung pagkabaling kay Julie ay malapad na muli ang ngiti.
"Go na sa dressing room. Thank you ulit. Sa uulitin." tumango tango naman si Julie Anne at inalalayan na ang anak sa dressing room tent na nakalaan para sa anak.
"Be a good girl okay? Do your best. Mommy's always here to support you." pagpapaalala nito sa bata. Minsan kasi ay naiirita ang anak pag paulit ulit kaya sinasabi na maging good girl ito at ibagay ang best niya para di ipaulit ng direktor ang scene. Basta ba ay hindi rin magkakamali ang kaeksena nito. Attitude diba?
Pagkaasikaso ng isang staff kay Ellery ay tumawag naman si Rhoy kay Julie.
"Hey Juls. Sensya wala ako dyan." bungad nito.