Piano recital ni Evan ngayong araw, todo suporta naman si Julie at Elmo kasama si Janyca. Si Ellery naman ay kasama ni Pia sa taping nito.
"You think kaya ni Evan na maging smooth ang pagplay niya ng organ?" nag aalalang wika ni Julie.
"I heard him playing piano and singing Born for You. I know he can do this. Just trust him." at hinaplos naman ni Elmo ang kamay ni Julie na nilalamig. Tahimik namang kumakain ng lollipop si Janyca.
"Baka naman kinakabahan siya. Puntahan ko muna kaya?" napangiti naman si Elmo dahil aligaga na naman ang hands on mom na si Julie.
"Kinausap mo na siya kanina sa kotse, pagkahatid natin sa kanya sa backstage. Kaya na ni Evan yan. Mas lalo mapressure ang anak mo dahil sa inaakto mo ngayon. Cool ka lang. Magtiwala ka sa kanya. Siya nga walang kakaba kaba eh. Dinaig mo na naman ang mga bata." panunukso ni Elmo at napasimangot si Julie sabay haplos sa baby bump niya.
"Hello baby number four. Let's support kuya. Pakinggan mo siya magplay ng piano." pagkausap ni Julie sa baby bump niya. Hinaplos rin ni Elmo ang tyan ng asawa. Lumalaki na rin talaga ang tyan nito, malapit na rin ang ikalimang buwan ni Julie.
"Bilisan mo pa lumaki para makita mo na rin mga kapatid mo. Susuportahan mo rin sila kagaya ng ginagawa ni ate Janyca ngayon. Diba ate Janyca?" pagbaling ni Elmo sa anak. Napangiti naman si Janyca dahil ate na ang tawag sa kanya dahil mayroon ng bunso.
"Ay! Yay! Captain!" bibong sabi ni Janyca sabay saludo sa daddy niya. Nagsalita na ang emcee ng program at tumahimik na ang paligid. Nakatutok ang spotlight ngayon sa gitna ng stage kung nasaan ang piano. Isa isang nagplay ang mga bata at wala kang masasabi dahil sa sobrang galing nila magplay. Hanggang sa turn na ni Evan tumugtog. At parang sasabog sa kaba ang mommy niya.
Pero noong nakikita niya na nag eenjoy tumugtog ang anak ay parang lumuwag ang dibdib niya. Nakikita niya ang sarili sa anak. Parang dati siya ang pinapanood ng lahat habang nagpeplay siya ng piano mapatv man o isang event. Ngayon pinapanood niya na ang anak niya na minana ang pagkahilig niya sa piano.
"Ang galing galing niya 'dy." namamanghang wika ni Julie. At inakbayan lamang siya ni Elmo sabay halik sa sentido niya habang karga naman ni Elmo si Janyca.
"Mana sayo." sabi ni Elmo sabay ngiti ng matamis sa asawa at pinanood nilang muli ang anak.
Nang matapos ay sinalubong si Evan ng masigabong palakpakan. At proud na proud na nagkatinginan ang mag asawa sa galing ng anak nilang lalaki. Namana niya kay Julie ang pagkahilig nito sa mga music instruments.
"Congrats Evan!" salubong ni Ellery sa kapatid. Maaga nagpack up ang team dahil nashoot na nilang lahat ang nirereach nilang kailangang maitaping para maayos na iedit at di sila nahirapan kay Ellery. Julie na Julie at Elmo na Elmo sa pag arte sa harap ng camera.
"Congrats apo." sabi ni Pia sabay halik pa sa napakagwapong si Evan. Kamukhang kamukha ito ni Elmo nung bata ito.
"At dahil very good ka, titreat kita ngayon dito sa favorite mong..." putol na sabi ni Pia.
"Jollibee!!!" sigaw ng tatlong bata. At natawa na lang sila Julie at Elmo pati na rin si Pia."Thank you Mommy P!" maligalig na sabi ni Evan. At masaya silang nagsalo salo pagkatapos mag order ni Pia at Elmo.
"Kumusta naman ang big girl ko?" sabi ni Julie sabay haplos sa ulo ni Ellery.
"I'm fine Mommy! Tuwang tuwa si direk. Di daw ako nakakastress." pag amin ni Ellery. Tawa naman ng tawa si Pia.
"Ang bilis ng anak niyo sa eksena. Walang retake retake. Isang take lang tapos agad. Next scene na agad." papuri pa ni Pia sa apo. Nangiti naman si Julie at Elmo.
"Celebration din pala to para kay Ate Ellery dahil very good din siya. Right Evan? And Janyca?" sabi pa ni Julie at tatango tango naman ang dalawang bata na busy kumain ng spaghetti at chickenjoy.
"Thank you Mommy, Daddy and Mommy P." wika ni Ellery. Hinaplos naman ni Elmo ang ilong ni Ellery na may spot ng sundae sa pinakatip ng ilong nito dahil tinungga ng bata ang baso na akala mo ay matagal na di kumain ng ice cream. Ito ang pinakamahilig sa ice cream sa mga anak nila Elmo at Julie Anne.
"Messy ice cream monster." pang aasar pa ni Elmo sa anak. Pero nagthumbs up at ngumiti lang ng malapad si Ellery sa ama. Tila tanggap ang pang aasar ng ama. Sabagay sinong may ayaw sa ice cream? Paborito ng lahat malamig man o mainit ang panahon.
Ikalimang buwan na ng tyan ni Julie ngayon.