"Ayoko na po! I'm really tireeeeed!" iyak ni Ellery sa dalawa niyang lola. Paano naman kasi, wala siyang workshop ngayong araw at dahil bakasyon sabay pa na nalaman ni Pia at Marivic ang pangarap ng apo ay talagang tinutukan nila ito. Mahirap naman daw kasi na ang mga magulang nito ang magturo, baka konting daing ng anak ay hinto muna.
"Apo, kailangan mo masanay. Ganyan ang ginagawa ng mommy mo noon." pag aalo ni Pia sa bata.
"But I'm tired na po lola. I think I'm gonna faint! Hirap po huhuhu." OA na daing ng bata. Napailing na lang si Marivic sa apo. Si Pia ang nagwoworkshop sa bata kung ano ang posibleng maging trabaho ng bata sa showbiz, acting, pagkakabisado ng lines, pagluha, pagsasabay ng sayaw at kanta. Habang si Marivic naman ay nagtuturo sa bata na posible nitong pag aralan sa papalapit na pasukan. Join force silang magbalae kumbaga.
"Akala ko ba pangarap mo iyan?" sabay haplos ni Marivic sa ulo ng bata.
"Konti palang nga nagagawa natin, umiiyak ka na sa pagkapagod mo. Paano pag tita Max at tita Saab mo pa ang nagturo sayo?" banggit ni Pia na nakapagpaupo kay Ellery ng tuwid.
"Kayo na lang po magturo sakin. Hehe." sabay peace ng bata. At nagtawanan ang magbalae dahil alam nilang takot ang bata sa mga tita niya pwera syempre kay Clara at kay Unna, ang dalawang ito ay sobrang bait sa kanila, mabait rin naman sila Maxene at Saab pero may pagkaistrikta lalo na kila Ellery at Janyca, dahil mga babae ang mga pamangkin.
"Kaya mo pa umiyak?" tanong ni Pia kay Ellery. Kahit na di sila sigurado kung mapapasabak sa actingan agad ang bulilit na nasa harap nila, ay walang imposibleng role sa showbiz. Lalo na inaabangan na ito ng mga network dahil sa pagiging San Jose - Magalona nito.
"Kaya pa pooo. Lezz do this!" bibong sabi muli ng bata at natawa na lang ang mga lola nito.
"Maquiiiii!" tili ni Julie ng makita ang kanyang bestfriend. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop, nagplano na magkita silang dalawa, habang si Elmo ang nakaduty na magbantay sa bulilit nila sa bahay.
Agad na pinagyayakap ni Maqui si Julie sabay beso pa sa kaibigan.
"Aray." wikang sabi ni Maqui habang nakahawak sa dibdib niya. Nag alala naman itong si Julie."Why Maq?"
"Boobs mo malaki. Masyadong matayog kumpara sa kapatagan ko." pagkasabing ganun ni Maqui ay namula siyang parang kamatis at kinurot sa tagiliran ang kaibigan.
"Ikaw puro ka kalokohan!" gigil na sabi ni Julie pero pabiro lamang.
"Breastfeeding mom ka pa ba?" pagsita pa ni Maqui.
"Hindi na. One year na rin, dalawang taon bago ko inawat si Janyca kagaya kina Elle at Evan." pagpapaliwanag niya sabay higop sa order niyang kape nila ni Maqui.
"Ah so breastfeeding wife ka na lang pala." buti ay napigilan ni Julie maibuga ang kape kay Maqui.
"Maqui!!!" naeeskandalong sabi ni Julie pero tinawanan lang siya ng tinawanan ng kaibigan.
"Oh? Don't lie to me bebegurl." sabay ngisi pa niya kay Julie.
"Heytyu." pagbebaby talk pa ni Julie.
"Labyutu. Teka, kumusta? Babalik ka pa sa showbiz?" biglang naitanong ni Maqui.
"Hindi na. Pero Maaaq! Yung mga anak ko gusto magshowbiz." maloka lokang sumbong niya.
"Aba anong problema doon? Nanalo na rin lang si Janyca sa little miss, sana magtuloy tuloy hanggang grand finals. Sila Evan at Ellery?"
"Si Evan, wala naman siyang sinabi na he wants to join with her ate na magshowbiz. Si Ellery, nagdecide kami na iworkshop muna siya to test na rin kung saan siya magaling. Tsinututor nga rin ni Mama para kunwari aral at work na ang mundo niya." pagkukwento niya sa matalik na kaibigan.