Kung mainit ang pagtanggap sa isang simpleng collab ng dalawa. Mas mainit ang pagtanggap ng JE's sa album ni Julie at Elmo under UR. Ilan sa kinita nila sa naturang album ay idinonate nila para sa sitwasyon ngayon.
Sunod sunod ang naging mga projects nila together at isa na rito ang movie na naipush ng kanilang mga network. Dahil nakahanap na ng bakuna at gumaling na ang lahat ng dinapuan ng pandemyang kinaharap ng mundo. Isa sa sinimulan na projects nila ay ang movieng iyon.
"Okay break muna." sabi ng direktor at inabutan ni Elmo si Julie ng tubig.
"Salamat." sobrang maalaga pa rin sa kanya si Elmo, lihim naman na napapangiti ang mga katrabaho nila dahil sa sweetness nilang dalawa.
"Sigurado ba kayong hindi talaga kayo?" wika ni Barbie na nahihiwagaan sa damoves ni Julie at Elmo sa isa't isa. "Iba ang sweetness eh." dagdag pa nito.
"Nako Barbara Forteza, gutom lang iyan. Magbreak ka doon oh." tila pagtataboy ni Julie kay Barbie.
"Elmo di mo pinopormahan to? Di mo nililigawan?" pangungulit nito at binalewala ang pagtataboy ni Julie.
"Hindi pa. Sa susunod na lang tinatamad pa ko." sabi ni Elmo, pasimpleng sinamaan naman ng tingin ni Julie si Elmo habang di nakatingin sa kanya si Barbie.
"Nako. Ewan ko sa inyo. Makakain na nga lang." sabi pa ni Barbie at nilayasan na ang dalawa.
"Tinatamad pala ha?" iritang sabi bigla ni Julie. Natawa naman si Elmo dahil napikon niya ang dalaga. Mag isang buwan na rin simula ng niligawan ulit ang dalaga. Wala naman siyang sabit ngayon kaya pinagbigyan rin siya ni Julie na labis ikinatuwa ng binata.
"Sige pag ako nagsalita rito. Buking tayo." sabi na lang ni Elmo na nagpaayos ng upo kay Julie Anne sabay lingon sa paligid.
"Heh!" pagkasabi ni Julie ng nakasigurado na walang nakakarinig sa usapan nila. "Mamaya ka talaga sakin makita mo!" sabi pa ni Julie at bigla naman pinakita ni Elmo ang muscles niya sa braso.
"Waiting." mapang asar na sabi ni Elmo. Trip niyang pikunin si Julie ngayon. Dumukdok naman si Julie sa table. Lumingon si Elmo sa paligid at nang makita na walang nakatingin ay dinampian niya ng halik ang ulo ni Julie sabay alis. Narinig naman niya ang pagbubusit busitan ng dalaga.
"Elmo, hindi ba pahirap itong anak ko? Pag pahirap pabayaan mo." pang aasar ni Jonathan sa anak. Nasa bahay nila ngayon si Elmo.
"Wag niyo na po asarin tito. Pikon na pikon na po sakin yan. Bibingo na raw po ako." pag paparinig pa ni Elmo kay Julie. Saka naman napahalakhak si Jonathan.
"Magkano ba premyo at gusto mo na yata makabingo?" pang aasar pa ni Jonathan habang kausap si Elmo. Saka naman sumimangot si Julie.
"Nananahimik ako rito ah. Makapag usap kayong dalawa parang wala ako rito." tila napipikong wika ng dalaga.
"Hindi ako anak ah. Si Elmo lang." at iniwan sa ere ni Jonathan si Elmo. Nailing na lang si Elmo habang nakangiti. Napapansin rin niya na pinipigilan ni Julie na mapangiti.
"Iwanan ko na nga muna kayo riyan at baka maging dragon na si Julie." sabi ng ama.
"Tito, matagal na pong dragon." sabi pa ni Elmo kaya di na nakatiis si Julie at hinampas hampas niya ng unan si Elmo.
"Tito! Help!" biglang paawa ni Elmo sa ama ni Julie. Naiiling na umalis si Jonathan.
Nang mapagod si Julie kakahampas ng unan kay Elmo ay tinigilan niya rin ito.
"Grabe bigat ng kamay mo ah. Bakal ba yan?" sabi ni Elmo habang pinisil pisil ang braso niya. Nagpapaawa effect kay Julie.
"Ikaw eh! Tahimik ko rito bigla kang nang aasar diyan, sinali mo pa si Papa." at nakabusangot na ang mukha ni Julie.