Bago pa makauwi si Julie Anne ay sunod sunod na ang mga notification sa cellphone niya. Maraming may gusto siyang interviewhin tungkol sa binunyag niyang estado nila ng kanyang asawang si Elmo.
Di rin magkamayaw ang mga fans na lapitan siya para ikumpirma na totoo ang sinasabi nito at hindi siya nagbibiro. Nagwild rin ang mga ito pagkatapos ng kanyang pahayag kanina kaya minarapat na rin ni Sweet na tapusin na ang show at magschedule na lang silang muli ng panibagong interview na kasama na ang kanyang asawa.
Pagkababa na pagkababa niya sa kotse ay agad agad siyang nilapitan ni Elmo sabay tingin sa mga braso niya at mukha kung may galos ba ito o ano.
"Hey mommy. Are you alright? Nabalitaan ko na naging wild ang mga fans kanina sa interview mo." sabay yakap at halik ng matagal sa tuktok ng ulo ng dalaga. Napangiti naman si Julie sa inaakto ng kanyang asawa ngayon. Hindi pa rin ito nagbabago, napakalambing at clingy pa rin kahit sampung taon na silang kasal.
"I'm fine dad. Wag ka na mag alala. Mahal tayo ng fans mo, may mangilan lang na napanggigilan ako para makausap tungkol sa pahayag ko kanina. But I'm fine." Sabay tingala sa asawa dahil mas matangkad din ito sa kanya, at hinaplos niya rin ang pisngi nito kaya napapikit rin si Elmo pero agad ring dumilat para tignan ng mata sa mata at hinigpitan niya rin ang yakap niya sa bewang ni Julie.
"I'm glad you're okay. Nag alala talaga ako. Di naman kasi kita masamahan dahil walang bantay ang mga bata. Sorry." pagpapaumanhin niya sa asawa.
"Ano ka ba, wala iyon. Di mo kasalanan na di ka nakasama. Wala naman kasi tayong mapag-iwanan sa mga bata dahil biglaan naman tong interview sa akin." wala ng nasagot si Elmo kaya dinampi na lamang niya ang labi niya sa noo ng asawa na nagpangiti ulit kay Julie. "Konti na lang maiisip ko na talaga na malakas talaga ang tama ni Elmo sa akin." sa isip isip ng ginang. Sino mag aakala na ang napakajolly na dalaga noon ay isa ng Mrs. Magalona ngayon?
"Mommy." isang maliit na boses mula sa kanilang gilid. Nilingon naman ng naglalambingan na mag asawa ang boses na iyon at nakita nila ang kanilang bunsong anak na si Erynne Janyca.
"Hello 'so, mommy's home. Ano ginawa niyo nila daddy while I'm away?" pagkausap sa anak sabay hawak sa kamay nito saka sila nagtungo papasok sa bahay. Nakasunod lamang si Elmo sa mag-ina.
"Nag-play po kami ng cars mommy." pagbibida ng kanilang bunsong anak bago sila maupo sa living room.
"Wow naman, but where's kuya and ate?" pagpuna ni Julie Anne sa paligid nang di niya makita ang dalawa niya pang anak na nagngangalang Jaianne Ellery, ang panganay at si Evander Jyde naman ang ikalawa.
"Naglaro sa pool kanina. Knockout silang dalawa. Si bunso lang ang matibay." sabay ginulo ni Elmo ang buhok ng bunso nila.
"Nagugutom ka ba? Paghahanda kita ng meryenda." Akmang tatayo na si Elmo ng hawakan ni Julie ang kamay niya.
"Hindi na. Nagmeryenda na ko sa studio. Punta lang ako sa kwarto. Magpapalit lang ako. Ikaw munang bahala kay bunso." bilin ni Julie Anne sa asawa.
Napalingon si Julie ng lumundo ang kabilang bahagi ng kama pero bigla na lang siyang hinalikan ni Elmo sa ulo.
"Gabi na, busy ka pa magcellphone." paninita ni Elmo kay Julie. Binitawan naman agad ni Julie ang cellphone sa side table. At nag indian sit sa kama kaharap kay Elmo. Another 'Mr. & Mrs.' time nila.
"Nagbrowse lang ako ng mga messages ng ibang reporter na gusto tayong kausapin 'tsaka nagwawala ang mga fans sa twitter bakit daw di sila imbitado." natawa na lang si Elmo dahil alam niya paano magwala ang mga fans nila ng kanyang asawa.
"You want ako muna magpainterview then painterview tayong dalawa dito na lang sa bahay?" napaisip si Julie, pero nakita niya rin na dapat muna magpainterview ni Elmo lalo na ang daming may gusto na targetin na makausap ang asawa. Ganoon talaga siguro pag lalaki at haligi na ng tahanan.