Matapos ang araw na iyon ay di na nasamahan pa ni Julie Anne ang anak sa taping simula noon. Kung hindi si Elmo ang nakasama ni Ellery ay ang mga lolo't lola o mga tyahin nito ang kasama niya sa taping. Nanlulumo naman si Julie dahil di na nya masamahan ang anak, lagi kasing nagkakasakit ang bunso nila. At nung lumaki laki na ang bunso nila ay binuksan sa restaurant ni Elmo ang mga cakes na gawa ni Julie na suhestyon ng karamihan at maganda naman ang naging resulta pero isa din iyon sa dahilan bakit mas lalo pa siyang naging busy.
"Oh anong mukha na naman iyan?" wika ni Marivic na naghahalo ng kape niya.
"Sana di sumasama ang loob ni Ellery sakin." paghiling na lang nya.
"Bakit naman sasama ang loob ng bata sayo? May ginawa ka bang mali?" saka inilapag ng ina ang kape nito sa coffee table at naupo sa tabi niya.
"Hmm. Di ko na kasi nasamahan sa mga tapings at guestings niya. Masyado akong busy ngayon sa bahay, lumala pa pagkabusy ko noong lagi nagkakasakit si Jaq." saka ibinagsak ni Julie ang bigat niya sa sandalan ng sofa. Malamlam ang tingin sa kanya ng mga mata ng kanyang ina.
"Tayong mga ina wonderwoman tayo. Gagawin natin ang lahat para sa mga anak natin. Pero wala sa kapangyarihan ni wonderwoman magdoble para yung kadouble mo ay maiwan dito sa bahay para gampanan ang pagiging ina sa mga naiwan mong anak rito sa bahay at ikaw sasamahan mo kung saan pupunta ang panganay mo. May ganon ba? Wala. Tanong ko lang bumabawi ka ba pag umuuwi na siya dito sa bahay?" umupo naman ng maayos si Julie Anne.
"Oo naman Ma. Ginagawa ko yon kahit minsan abutin na siya ng hating gabi, aasikasuhin ko siya hanggang sa matulog." pagkwento niya sa ina, ngumiti naman si Marivic.
"Nasusubaybayan mo ba ang mga assignments niya? Ginagabayan mo ba?" tanong pa ulit ng Mama niya.
"Opo naman, Ma. Di ko siya hinahayaang umalis ng bahay hanggat di niya sinasabi sakin na okay na assignment niya, sinasamahan ko sila gumawa ng projects sa library pag weekends." tumango naman si Marivic.
"Ang nararamdaman mo lang na pagkukulang mo ay yung di mo siya masamahan dahil sa pagtatampo niya." hindi iyon tanong na dapat sagutin ni Julie, sinabi ng ina kung ano ang napapansin niya sa sitwasyon ng anak kaya napatango lang si Julie na nangingilid ang luha.
"Ipinaintindi mo ba sa kanya? Pinaparamdam mo ba na di siya dapat malungkot dahil lang sa absent ka sa mga so called 'events' niya sa showbiz?" panibagong tanong ng ina.
"Pinapaintindi ko lagi. At lagi rin ako humihingi ng pasensya, yung pagparamdam naman na di siya dapat malungkot sa kakulangan kong iyon, kasama na roon ang pagbawi ko, at siyempre anak ko siya kaya ginagawa ko ang duty ko bilang nanay kahit wala na akong tulog, maabangan ko lang siya makauwi at maasikaso ko siya sa almusal dahil iyon lang lagi oras ko na maasikaso ko siya, pati na sa pananghalian bumabawi ako kasi madalas kami lang magkasama sa hapag." at kinulong ni Julie ang mukha sa dalawang palad, frustrated sa pagtatampo ng anak niya. Di man nito sabihin, ramdam ng isang ina kung may sama ng loob sa kanya ang anak, may iba na di iyon pansin pero siya alam na alam niya, ramdam na ramdam niya. "Aminado naman ako kada taon ang lumilipas paliit ng paliit ang pag intindi niya sa bagay bagay kaya lagi ko talaga sinasabi sa kanya na mahal ko siya at kung ano dahilan ko bakit kailangan na ang Daddy niya o kayo ang kasakasama niya sa tapings or guestings. Naisingit ko lang yung kay Janyca, kilala niyo naman yung batang iyon, kahit daddy na niya ang kasama niya minsan ako pa rin hahanapin. Nakakahiya naman sa Eat Bulaga kung biglang aatras ang anak ko sa kalagitnaan ng prod niya." dagdag pa ni Julie. Inakbayan naman ni Marivic ang anak saka naman niyakap ni Julie ang ina at sumiksik pa rito kahit wala ng ikakasiksik.
"Namiss ko to, Ma. Yung sinasabi ko problema ko sa inyo. Just like before, ang ganap nga lang ngayon ay di na lang tungkol sa problema ko, yung akin lang talaga, ngayon kasama na ang apo niyo." hinaplos naman ni Marivic ang likod ng anak.