Comeback (20)

116 5 0
                                    

Pagkababa nila sa sasakyan ay agad kumapit sa braso ni Elmo si Ellery na suot suot ang gown nito. Ngitian ni Julie ang anak, gumanti rin naman ito ng ngiti.

Ngayon ang ikalabing walong kaarawan ng kanilang panganay. Invited ang lahat na malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya pati na rin mga kamag anakan nila.

"Thank you so much Dad and Mom." madamdaming wika ni Ellery sa mga magulang. Binigyan siya ng mga ito ng napakaengrandeng debut.

"You're welcome anak. You deserve it." ani ni Elmo at hinalikan sa noo ang anak. Napangiti na lamang si Julie sa mag ama.

Agad nagsitayo ang mga bisita at magiliw na ngiti ang salubong ng mga ito sa kanila. Napagitnaan si Ellery ng kanyang magulang habang naglalakad sa red carpet patungo sa stage kung saan merong isang mahabang sofa na engrade ang disenyo. Pagkahatid nila sa anak nila sa stage ay hinalikan muna nila ulit ang anak at inalalayan na ni Elmo ang asawa sa pagbaba ng stage. Binigyan ng staff ng venue si Elmo ng mikropono. Tumikhim muna siya bago nagsalita. Nasa gilid niya lamang ang asawa at nakapalupot ang kamay niya ang bewang nito. Kahit sila'y may edad na ay di pa rin uso ang space.

"Maraming salamat at kayo ay nakarating sa espesyal na araw ng aking panganay na anak na si Ellery." panimula ni Elmo. "I hope all of you will enjoy this night lalong lalo na ikaw, Ellery." sabay lingon ni Elmo sa anak at nagflying kiss naman si Ellery sa ama.

"Let's start the party." masayang pahayag ni Elmo at inalalayan ng isang staff si Ellery na magpunta sa gitna ng hall para sa kanyang 18 roses. Mga naunang nagsayaw kay Ellery ay ang mga kaibigan niya noong high school at ngayong college na siya. Sumunod na mga nagsayaw sa kanya ay mga nakatrabaho niya sa showbiz, pagkatapos ay mga pinsan niya na at tiyuhin. Ang huling nagsayaw sa kanya ay ang kanyang ama na si Elmo.

"Thank you Dad. Sobrang thank you." pagpapasalamat ni Ellery habang sinasayaw niya ng ama.

"Kanina ka pa nagpapasalamat. Mommy mo talaga may utak na bigyan ka ng engrandeng debut." pag amin ni Elmo. Nilingon naman ni Ellery ang ina na nakaupo malapit sa stage. Ngumiti naman ng matamis si Ellery sa ina at binulong sa langit ang "thank you" Akala niya ay di siya magegets ng ina pero nagthumbs up lang ito sa kanya.

Matapos ang sayaw ay nagkaroon pa ng kung ano anong 'ritual' sa tradisyonal na debut pero di nagpatalo ang panghuling pagsasayaw sa kanya, sinabitan siya ng pera. Natatawa ang lahat dahil puro blue bills ang dinidikit sa damit niya habang sinasayaw siya ni Evan. Mayroon pa ngang mga dollar kaya natatawa na lamang si Julie dahil ito na naman ang payamanan ng bigay.

"Akala ko ayaw mo akong isayaw dahil di mo ko isinayaw kanina sa 18 roses ko." mahinang wika ni Ellery sa kapatid. Ngumiti naman si Evan. Binatang binata na rin. At mas matangkad pa kay Ellery.

"Nagpasya ako na dito ka isayaw para hatian mo ko sa mga dinikit na pera sa iyo." pabirong sabi ni Evan kaya natawa na lang din si Ellery.

"Oo ba." sabi na lang ni Ellery sa kapatid.

Nagsimula na ang kainan, masayang pagkukwentuhan ng lahat na para bang kay tagal na ng huling pagsasama sama nila sa okasyon at tumayo na si Julie sa stage at naguguluhan naman si Ellery bakit tumayo ang ina sa stage.

"Good evening again. I hope nag eenjoy po ang lahat. Kain lang po ng kain. Marami po iyan. Pwede rin take out." pagpapakwela ni Julie sa huli at nagtawanan naman ang lahat.

"Kumain lang po kayo ng kumain at kakanta lang po ako para sa aking panganay na anak. Ellery, this song is your favorite ever since. Kaya kakantahin ito ngayon ni Mommy. Para sa iyo." malambing na wika ni Julie. Napaawang naman ang labi ni Ellery pero kalaunan ay ngumiti sa ina.

After the Comeback (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon