Comeback (4)

226 9 7
                                    

Ngayon, nadama nila Julie at Elmo ang kasiyahan ng lahat para sa kanilang dalawa. Sino nga ba naman kasing mag aakala na ang dating naging loveteam at nag iwasan pa kinalaunan ay magiging mag asawa rin bandang huli?

"At muli kaming nagbabalik. Kanina sinagot na ni Elmo ang mga katanungan naming mga momshies. Ngayon naman isasabak natin siya sa game na kantahan dito sa Magandang Buhay." sabi ni Karla. "Handa ka na ba Elmo?" dagdag pa nito.

"Yes, I'm ready. I think maganda pa naman boses ko siguro." pagbibiro pa ng Ginoo.

"Ganito ang mechanics ng game. Mayroon kaming fishbowl na nariyan sa gitna ng stage kung saan ka rin kakanta, it contains the name of some music icons noong panahon ng 70's to 90's. Then ikaw mamimili kung ano ang kakantahin mong song na kinanta ng music icon na nabunot mo. Ginawa namin ang segment naming ito para manatiling buhay pa rin sa panahon ngayon ang mga kumbaga, pamana nilang kanta na walang kupas." banggit ni Jolina. "Siguro naman marami ka namang alam na kantang pang old soul?" dagdag pa ni Jolina.

"Yes. May ilan naman akong alam na mga old songs. It's nice ah, na may segment kayong ganito. Nabibigyang importansiya ang mga lumang kanta. Old but gold." tatango tango pang sagot ng ginoo. Napangiti naman si Julie Anne sa gilid dahil ngayon lang ito muli kakanta sa harap ng camera after 10 years.

"Okay game. Gaguide ka ni momshie Melai habang bumubunot ka sa fish bowl." wika ni Karla.

"Excited na ko marinig muli ang boses ni fafa Elmo. Uy Julie, no selos ha?" pagbanggit ni Melai habang ginaguide si Elmo sa gitna ng stage. Natawa na lamang ang mag asawa sa kakulitan ni Melai.

"Okay game na tayo fafa Elmo ha? If ever na di mo alam ang mga kanta ng music icon na nabunot mo. Pwede kang bumunot uli." pagpapaalala ni Melai kay Elmo. At tumango tango naman ang ginoo sabay bunot na sa fishbowl.

"Eric Carmen." pagbasa ni Elmo sa unang nabunot niya.

"Anong alam mong songs niya?" tanong ni Melai at napangiwi ang binata.

"Pass muna momshie Melai." sabi ni Elmo at pinabunot siyang muli nito.

"Kenny Rogers." pagbasa muli ni Elmo sa nabunot niya. At lumapad na ang ngiti ni Elmo.

"Ay may alam na siyang kantahin, malapad ang ngiti ng fafa." sabay tawa ni Melai kaya natawa na rin si Elmo.

"Through the Years by Kenny Rogers." pagsabi ni Elmo sa kakantahin niya habang nakatingin ng diretso sa asawa. Pati ang tatlong momshie ay kilig na kilig, paano pa kaya ang JuliElmoes na naroroon sa audience area?

"Maestro Loy, keri ba?" tanong ni Jolina habang nakalingon sa music band ng Magandang Buhay at nagthumbs up naman ang mga ito.

"Ehem ehem." pag ubo ng binata. "Pwede po bang ayain ko ang asawa ko rito sa stage mga momshies?" pagpapaalam pa ni Elmo. At naghampasan na naman sa kilig ang mga fans. Si Julie Anne naman ay nabigla at pinandilatan ng mata si Elmo.

"Sure Elmo. After all, ang episode na ito ng Magandang Buhay ay para sa inyong dalawa talaga." sambit ni Karla at nagthumbs up rin si Jolina pati na rin si Melai.

Wala ng nagawa pa si Julie Anne ng sunduin siya ni Elmo kung saan siya naka stand by.

"This song is for you, Mommy." pag umpisa ni Elmo at nagwala na naman ang fans pero binawal ito ng mga nakakatandang fan pati na rin mga utilities na nakastand by din ngayon sa Magandang Buhay audience area.

Nanahimik ang lahat ng magsimula ng tumugtog si Maestro Loy. At hinawakan naman ni Elmo ang kamay ng asawa 'tsaka siya kumanta.

I can't remember when you weren't there
When I didn't care
For anyone but you

After the Comeback (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon