Graduation ngayon ni Ellery. Nasa designated seats na ang pamilya San Jose - Magalona. At naroon din si Theo na karga si Matt na magtatlong taong gulang na, ilang buwan na lang ang bibilangin.
"Gusto ko rin dito mag enroll mommy sa pasukan." sabi bigla ni Evan na ngayon ay disi-otso na. Lumaki ito na kamukhang kamukha ni Elmo pero ang ugali ay nakuha kay Julie.
"Sige anak. Support lang kami sa iyo." sabi ni Julie at humawak pa sa braso ng anak, mas matangkad na ito sa kanya ngayon.
At nagmarcha na ang mga gagraduates suot ang kanilang itim na toga. Ang mga parents ay may kanya kanya ng sariling pwesto, ang mga graduates na lamang ang pinagmarcha ng university para di na rin magkagulo gulo. Nang makita sila ni Ellery ay kumaway ito sa kanila.
Nagsimula sila sa isang panalangin at pag awit ng Lupang Hinirang at Hymn ng kanilang unibersidad. Saka naman nagbigay ng mensahe ang pinakapuno ng eskwelahang iyon.
"Magandang gabi sa lahat. Isang taon na naman ang nakalipas at ngayon marami na namang magtatapos ng iba't ibang mga propesyon. At hindi rito, hindi sa gabing ito, magtatapos ang lahat. Dahil ito ay simula palang. Simula para hubugin pa kung ano ang natutunan sa ating unibersidad at pagyamanin ang kaalaman para sa minimithing magandang kinabukasan. Nais ko lang po bigyan ng pasasalamat ang ating mga kaguruan, at lahat ng non-teaching staff ng ating unibersidad sa paghubog sa mga kabataang ito sa loob ng apat na taon. Ganoon rin sa mga magsisipagtapos, hangad namin ang inyong tagumpay. Mabuhay po tayo lahat." wika nito at nagsipalakpakan na ang mga tao. Marami pa ang nagbigay ng inspirational message hanggang sa pagkuha ng diploma. Sumama silang lahat sa stage at malugod naman silang pinayagan ng staff ng school. Hinuli nila ang awarding ceremony.
"Jaianne Ellery Magalona - Manzano. Summa Cum Laude." at doon napaawang ang labi ng mag asawa. Nakangiti lang ng malapad si Evan at halatang alam na nito na nakuha ng ate niya ang highest latin honor sa unibersidad na iyon. Nilingon naman ng mag asawa si Theo, matamis lamang ito ngumiti at tumango sa kanila.
"Kayo po Mommy at Dad ang magsabit ng medalya sa kanya kasama po si Matt. Yun po ang sabi sakin ni Elle." agad na kinarga ni Julie ang apo at inalalayan ni Elmo ang maglola hanggang sa makaakyat ng stage.
Maraming papuring natanggap sila Julie at Elmo na patungkol kay Ellery. Tinuruan naman ni Julie ang apo na magsabit ng medalya kay Ellery. Pagkatapos ay kinarga na ni Ellery si Matt para sa picture taking.
"We're so proud of you darling." madamdaming wika ni Julie. Hinalikan lang ni Ellery ang magulang sa pisngi at iniabot na ang anak niya dahil oras na para siya ay magbigay ng inspirational message. Inalalayan muli ni Elmo ang asawa at apo pabalik sa upuan. At saka nagsimula si Ellery na magsalita.
"Magandang gabi. Gustong kong simulan ang mensahe ko ng pasasalamat. Una sa Diyos dahil kahit di biro maging isang ina habang nag aaral ay nakaya ko, di para lamang sa amin ng asawa at anak ko, kundi para sa magulang ko na nakuha kong idismaya noon noong ako ay magbuntis sa murang edad. Salamat Mommy, Daddy, at sa mga kapatid ko sa pagsuporta sa akin all throughout, magsimula noong ako ay nagbalik eskwela hanggang sa gabing ito." tumigil muna siya saglit.
"Gaya ng sabi ko kanina, kung ang mga dalaga at binata ay hirap na sa pag aaral ng leksyon. Paano kaming mga nanay na may baby laging nakabuntot sayo para magpatimpla ng gatas, magpahele o makipaglaro. Di ko ikinukumpara, gusto ko lang sabihin sa inyo na matinding hirap bago ako nakarating sa point na ito."
"Aminado tayo na maraming kabataan ang petiks lang. Pero okay lang iyon, sige. Kasi di pa ito ang real world natin eh. Ang tunay na sukatan ay kung paano tayo mamuhay sa labas gamit ang natutunan natin sa eskwelahan at paano tayo makikisama ng maayos sa ating magiging katrabaho sa hinaharap."