Pagkapasok na pagkapasok nila sa kwarto nilang mag asawa ay agad binagsak ni Julie ang bag niya sa kama.
"Ano yon Elmo? Ano yon?" tila nauubos ang pasensya na sabi niya.
"Kumuha ako ng kasambahay." simpleng sabi nito.
"I mean. Bakit ka kumuha ng kasambahay? Para saan? Kaya ko Elmo. Kaya ko." konting konti na lang ay gusto na niyang kalmutin si Elmo sa inis niya.
"Napapabayaan mo na ang sarili mo. Alam kong kaya mo kaming dalhing lima. Pero sarili mo di mo na alam asikasuhin." mahinahong sagot ni Elmo.
"Bakit di mo pinaalam na kukuha ka?"
"Di ko sinabi dahil di ka papayag."
"Talagang di ako papayag! Ano ba Elmo?! Para mo na ring sinabi na di ko kayo kayang asikasuhin ng maayos! Ngayon gumagawa ka ng desisyon na di mo ko kinoconsider. Ano to? Ha? Kanya kanya na tayong desisyon sa mangyayare sa pamilya na to?"
"Kaya mo kami asikasuhin. Oo. Andun na tayo. Pero sarili mo naman ang napapabayaan mo Julie. Ano gagawin ko? Tutunganga? Hintayin na lang na mapabayaan mo pa lalo sarili mo? Ano?"
"Kaya ko naman eh. May baby lang kasi kaya di ko na iniinda kung ano pa itsura ko. Pag medyo malaki naman na ay di na masyadong lingunin ang bata eh." tila naiiyak na turan niya. Pabagsak siyang naupo sa kama at napahilamos sa palad niya. Si Elmo naman ay mahinahong nakasandal sa likod ng pintuan nila.
"Dapat nga dalawa kukunin ko para may lilingon kay bunso. At kukuha na dapat ako ng tutor ng mga bata para mas mabawasan pa ang alalahanin mo. Pero di ko ginawa. Isa lang kinuha ko. Pagbigyan mo na ako." saka niya nilapitan si Julie. Pagkaakbay niya sa asawa ay sinugod siya nito ng yakap at nag iiiyak sa dibdib nito. Hinaplos naman ni Elmo ang likod ng asawa.
"Tahan na. Sorry di ko sinabi sa iyo. Sorry kung nagdesisyon ako agad. Pero mas gugustuhin ko ng mag away tayo ngayon dahil dito kung iyon lang ang paraan para mapapayag kang may makasama tayo dito sa bahay. Para may makatulong ka. Alam ko namang napapagod ka na eh. Tinitiis mo lang ang pagod at puyat, masigurado mo lang na maayos kami sa araw araw. Masama ba na ngayon gusto ko ikaw ay maayos rin? Nakakapagpahinga ng sapat?" pero iyak lang ng iyak si Julie sa dibdib niya.
"Emotional ka na naman. Wag mo sabihing buntis ka na naman ah?" pagbibiro niya sa asawa kaya tinulak siyang malakas ni Julie. Pinalis niya ang mga luha niya. Inayos naman ni Elmo ang buhok na dumikit sa basang pisngi ng asawa.
"Wag mo ng uulitin na ikaw lang ang magdedesisyon ah?" tila batang sabi nito. Ngumiti naman si Elmo sabay tango rito.
"Mapagkakatiwalaan ba siya?" naniniguradong sabi ni Julie.
"Oo. Kakilala ni Mommy iyan. Don't worry." tumango na lang si Julie. Naghilamos na lang siya at toothbrush at nagpalit ng pantulog habang si Elmo ay inaayos ang crib sa kwarto nila.
"Tignan ko lang mga bata ah?" tumango si Elmo at lumabas na siya ng kwarto. Lumingon naman si Julie sa paligid at nagbabakasakaling makita ang makakasama nila sa bahay pero wala ito. "Baka nagpapahinga na." sa isip isip niya. Una niyang sinilip si Evan na mahimbing ng natutulog. Hinalikan niya muna sa noo ang bata bago siya lumipat sa kwarto nila Ellery at Janyca. Mahimbing na ring natutulog ang mga ito kaya hinalikan na lamang niya ang mga ito sa noo at inayos ang kumot sabay balik sa kwarto nila mag asawa. Pagkabukas niya ng pinto ay ngawa ni Jaq ang sumalubong sa kanya.
Agad niya kinuha kay Elmo ang bata saka siya naupo sa kama at brinestfeed ang baby boy nila. At kinantahan ng pangpatulog ang anak. Nang nahihimbing na ito matulog ay pinadighay niya muna sabay hiniga niya ito sa crib nito. Saka siya humiga sa kama. Naramdaman niya ang pagod sa maghapon. Biglang labas naman si Elmo mula sa walk in closet, nakagayak na rin para matulog.