"You're what Ellery?" malamig na boses ni Elmo ang namutawi sa hotel room ni Ellery. Doon labis labis na kinabahan si Ellery at hanggang ngayon ay natulala pa rin si Julie sa rebelasyon ng anak. Bumalik sa wisyo si Julie nang makitang pasugod sa anak niya si Elmo. Dali dali siyang tumayo at ibinuhos ang lahat ng bigat niya para mapigilan ang pagsugod ni Elmo sa anak. Iyak ng iyak ngayon si Ellery. At dahil sa sobrang sama ng loob pinagsusuntok ni Elmo ang pader niyakap lang siya ni Julie sa likuran niya para pigilan ito.
Nang nahimasmasan ay agad niyang nilingon ang anak at si Julie naman ay parang nauupos na kandila na napaupo sa sahig saka siya nawalan ng malay. Buti ay agad siyang nasalo ni Elmo. Tinapik tapik ni Elmo ang pisngi ni Julie.
"Ano masaya ka na?" malamig na sabi ni Elmo sa anak. Saka niya ulit binaling ang tingin kay Julie na medyo nagkakaroon na ng malay. Agad na binuhat ni Elmo si Julie at inupo sa sofa. Agad na kumuha ng maiinom si Ellery at patabig itong kinuha ni Elmo sa kanya.
Nang tuluyang nagkamalay si Julie ay agad pinainom ni Elmo ng tubig ang asawa.
"Don't hurt her. Baka mapano sila ng baby." mahinang wika ni Julie. At doon naiyak si Ellery. Agad niya dinambahan ng yakap ang ina. Pipigilan sana ni Elmo kaso naisip niya rin baka maitulak niya ang anak.
"I'm sorry 'my. I'm sorry." at iyak ni Ellery ang naririnig sa buong kwarto. At pumasok si Evan sa kwartong iyon. Nakita niya na parang nanghihina ang ina agad niyang hinila paalis roon si Ellery at naupo sa tabi ng Mommy niya.
"Ano na namang kapalpakan ang ginawa mo?" wika ni Evan sa ate niya. Alam niya ang misunderstanding ng mommy at ate niya. Alam niyang ate niya lang ang nagpapasama ng loob ni Julie.
"Next time, be gentle to your ate." istriktong sabi ni Elmo kay Evan.
"Siya may kagagawan nito kay mommy diba? Bakit ako magiging gentle sa kanya?" tila may galit na sabi ni Evan.
"Your ate is pregnant." mahinang sabi ni Julie at unti unti ng umayos ng upo.
"Yung lalaki sa pool ang daddy niyan diba?" biglang sabi ni Evan.
"May alam ka rito, Evan?" malamig na sabi ni Elmo. Agad namang kinabahan si Evan.
"Opo dad." mahinang wika nito. "Palagi po may kausap si ate over the phone. Pero it's not my story to tell kaya di ko sinabi sa inyo. I thought sasabihin niya ngayon na may boyfriend na siya dahil nasa legal age na siya. Pero iba pala ang binalita niya ngayon." at masamang tumingin kay Ellery.
"Evan, pwede mo bang ihatid at samahan mommy mo sa kwarto namin? Kakausapin ko lang ate mo." tumango si Evan pero umiling si Julie.
"Go 'my. Di ko sasaktan si Elle. Just take a rest. I know it's been a rough day for you." at malamig na tumingin kay Ellery. Nang mapapayag si Julie ay sila na lang ni Ellery ang naiwan sa kwarto.
"I did my best to protect you, yet you failed me, yet you disappoint me." saka tumulo ang luha ni Elmo.
"Anak, wala kaming ibang hinangad ng mommy niyo kundi mapakain kayo tatlong beses sa isang araw, maprovide namin ang gusto niyong bilhin basta deserve niyo naman at abot-kaya ang presyo, at isa pa sa hinangad namin na makapagtapos kayo, pero paano ngayon iyan? Buntis ka. Mahihinto ka. Alam mo ng hirap ka na pagsabayin ang showbiz at pag aaral. Ngayon dinagdagan mo pa ang paghihirap mo. Bakit mo nagawa sa'min to?" sabi ni Elmo pero sinugod lang siya ni Ellery ng yakap. Mas lalo napaiyak si Ellery ng di siya yinakap pabalik ng ama kaya siya na rin mismo ang bumitaw rito.
"Iyan ang regalo mo sa mommy mo pagkatapos ka nyang bigyan ng magandang party? Mommy mo lahat gumastos niyan. Pero ganito isinukli mo. Narinig ko lahat ng pagsasagot sagot mo sa mommy mo. Ngayon buntis ka pa. I know it's a blessing anak. It's a gift from God. Pero di naman agad mangyare yan kung di ka nagmamadali. Inaasahan namin na aral at pagshoshowbiz ka lang. Ano ba ito, nagrerebelde Pagrerebelde mo iyan diba?" panghuhusga ni Elmo sa anak. Paulit ulit na umiling si Ellery.