Kasalukuyang nagbebreastfeed ngayon si Julie sa bunso niyang anak na si Jachaeus Eydam. Isang linggo na matapos niya itong ipanganak. Nang biglang tumunog ang cellphone niya at nakita niya ang mga notifs niya na di matahimik. Pinagkakaguluhan ng mga tao ang picture ng labi ng bunso niya. Nakuha ni Jaq (Jac) ang labi niya. At di pa rin natatahimik ang comment sa pagpost ni Elmo ng naka two piece niya noong nakaraang nagbeach sila. "Sobrang laki nga pala talaga ng tiyan ko noon." sa isip isip niya. Pero pinagkakaguluhan pa rin ito ng mga fans nila hanggang ngayon.
"'my ako muna magbantay kay Jaq pagtapos mo siya ibreastfeed. Gusto ng mga bata ikaw ang kasama nila sa paggawa nila ng assignment." saka umupo si Elmo sa kama nila kung saan nakaupo rin si Julie ngayon.
"Sige. Padighayin mo muna si Jaq bago mo ihiga ha?" at dahan dahang inilagay ni Julie si Jaq sa braso ni Elmo saka niya inayos ng mabuti ang damit niya.
"Uhm. Hindi ba talaga masakit yan?" nguso ni Elmo sa dibdib niya. Malakas ang gatas ni Julie ngayon kumpara noong brinestfeed niya ang tatlo. Nakakailang palit siya ng maliit na tuwalyita dahil di na kasya sa kanya ang mga bra niya.
"Hindi naman masakit 'dy. Kailangan ko lang talaga magpump lagi para medyo mabawasan." nagpapump si Julie at dinodonate nila ito sa nangangailangan ng breastmilk.
"Ikaw muna bahala kay Jaq. Puntahan ko lang mga bata." saka niya iniwan agad si Elmo. Pagkalabas niya ay naririnig niya ang sigawan ni Ellery at Janyca kaya nagmadali siyang nagpunta sa library ng bahay nila dahil doon gumagawa ang mga bata lagi tungkol sa mga assignments at projects nila sa sa school.
"What's happening here?" striktang sabi niya. Agad namang umayos ng upo si Ellery at yumuko naman si Janyca ayaw niya ipakita sa ina ang pangingilid ng luha niya.
"Walang magsasalita sa inyo? Evan, anong nangyare?" baling nya kay Evan. Pero di rin ito sumagot. Napahilot si Julie sa sentido niya dahil napapadalas na nag aaway ang mga bata ngayon.
"Pipi at bingi ba kayo? Sabi ko anong nangyayare rito?" napipikong sabi ni Julie. Ayaw niya sumabog sa galit pero napapadalas na kasi talaga ang awayan ng magkakapatid. Kung di si Ellery at Janyca ang nag aaway. Si Evan at si Ellery naman.
"Ellery, ano na naman to?" dahil si Ellery lagi ang nakakaaway ng dalawang bata. Di naman nag aaway si Janyca at Evan, kaya binalingan niya ang panganay para bigyan ito ng oras para magpaliwanag.
"Di siya nagdadahan dahan magkulay sa kartolina. Pati project ko nakulayan ni Janyca." umirap pa ito at di iyon nakatakas sa paningin ni Julie. Inayos niya muna ang damit niya at tuwalyita sa loob ng damit niya dahil mukhang mapapasabak siya manermon sa mga bata.
"Nasaan ang nakulayan ng kapatid mo sa project mo?" mahinahong sabi ni Julie. At inabot naman nga iyon ni Ellery.
Tinignan ni Julie ang papel at nakita na konti lang ang nakulayan ni Janyca.
"Ito lang? Pag aawayan niyo na?" medyo madiin na sabi niya.
"Pero Mommy, project ko yan eh. Dapat malinis yan." pangangatwiran pa nito. Saka binalingan ni Julie si Janyca.
"Sinasadya mo ba 'to Janyca?" at tumingala naman sa kanya si Janyca sabay iling dito.
"Nagsorry ka ba kay Ate mo?" at tumango naman ito.
"Nagsorry ba siya Ellery?" tahimik namang tumango si Ellery.
"Nagsorry naman pala. Di naman sinasadya. Bakit pa kayo nag aaway? Bakit galit ka pa rin?" tanong pa ni Julie kay Ellery. Yumuko na lang ito. Pinagmasdan muli ni Julie ang project na sinasabi ni Ellery at nakita na konti pa lang ang drawing nito.
"Tapos na ba ito?" tanong niyang muli. At umiling si Ellery.
"Nasaan ang kopya nito? May kopya ka ba?" pagsusuri niya sa papel at inabot naman ni Ellery ang ginagaya niyang drawing.