La Estrellas 3

247 16 31
                                    

"What was that? Alam ba 'yon ni Panchito at Chona?" Tanong niya sa gitna ng pagmamaneho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What was that? Alam ba 'yon ni Panchito at Chona?" Tanong niya sa gitna ng pagmamaneho. Kunot ang noo niya. 

Binalingan ko siya nang nakakunot din ang noo. Prente lang ang pagkaka-upo niya, hindi hirap at sanay na sanay na. "Ang ano po?"

Kanang kamay niya lang ang gamit niya sa pagmamaneho, samantalang yung kabila ay nagpapahinga pa rin sa uwang ng bintana na hindi niya na itinaas.

"The one that I saw earlier, the walking while laughing that hard as if something is really that funny. He even whispered something... was that appropriate?" Huh? Wala namang mali ro'n?

Sinundan niya pa ito. "You're nearly 18 and had strict parents. How can you---" Sinilip niya ako. Paano niya nalamang mage-18 pa lang ako? "How can you do that?" 

"Senyor, magkaibigan lang po kami," aniko sa kaniya. Pinagsiklop ko ang kamay sa ibabaw ng binti ko.

"For how long?" Tanong niya nang hindi ako tinitignan.

Uhh... Kailan ba? Kilala ko na siya nung grade 7 pero hindi kami close. "No'ng grade 8 pa po, bali 3 years na po."

"How did that happen?" Ang rami naman niyang tanong.

"Sinubukan hong manligaw," sagot ko sa kaniya na ikinaubo niya.

"Damn, you don't do--" sinilip niya ulit ako, ngayon ay naka-angat ang labi niya. "You don't do boyfriends? Uhh--flings?" Ahh, nasama niya yung salitang fling dahil 'yon lang yata ang kaya niyang gawin.

"Bata pa ho ako at hindi po pwede." Bukod pa rito, ayaw kong maranasan yung sakit sa puso na nararanasan ng mga kaklase ko. Sus, yung pa-iyak-iyak na 'yan tapos pagkaraan ng ilang araw may bago na? Naku! Baka kung ako iyon ay tatlong taon na, hindi ko pa rin nalilimutan yung sakit. Kaya huwag na lang.

Tumangu-tango siya. "Sabagay, When I'm your age, I don't do girlfriends too, flings only," aniya at mahinang natawa na itinago rin agad sa pagkagat ng ibabang labi. 

Kala ko mahal ang pagtawa ng isang ito, hindi naman pala.

Flings only, hindi naman nakakapagtaka na iyon lang ang ibinibigay niya sa mga babaeng lumalapit sa kaniya. May nakalimutan nga siya, hindi lang flings kun'di ang paggamit din sa kanila. Ano kaya ang nakukuha ng mga babae sa kaniya? Yung sperm niya? Kadiri, buti at wala pa siyang nabubuntis.

"Pasensya na pala kanina. May sinaglit lang ako sa bayan kaya hindi agad kita napuntahan." Nakababa na kami nito nang bigla siyang magsalita. Nilingon ko siya na nasa bandang likod ko lang.

"Ayos lang ho," aniko at binilisan na ang paglakad papunta sa court para maabutan pa ang dalawa.

Nakaupo sila sa bleacher habang pinanonoood yung mga matatandang nagbabasketball. May oras kasi rito ang paglalaro nila. Pinagbibigyan sila mula umaga hanggang hapon at sa gabi naman ay itong mga binata at matatanda na ang naglalaro.

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon