La Estrellas 19

90 3 7
                                    


"I'll talk to papa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'll talk to papa. Kakausapin ko rin si grandma mamaya--kung hindi pa siya nakakaalis ng mansyon," aniya at saka bumuntong-hininga.

Pinunasan ko ang pisngi ko nang makaramdam ng ginhawa sa pag-iyak. Inalis ni Mateo ang seatbelt ko at saka ulit ako hinalikan sa noo. "Sinabihan ko naman si grandma tungkol sa'yo beforehand pero bakit gano'n? Bakit niya kailangang sabihin iyon? Napaka insensitive ng mga tanong niya," aniya sa kabila ng iritasyon sa matanda.

"I don't know, I'm frustrated."

Naku, baka mamaya ako pa ang maging rason ng pag-aaway nila ng lola niya. "Ano ka ba--" Lumunok ako. "Ayos lang sa'kin iyon. Iyon din naman ang inaasahan ko." 

Kumunot ang noo niya nang marinig ang huli kong sinabi.

"Inaasahan?" Bahagya siyang napaatras. "Inaasahan mong ganoon ang pagtingin ni grandma sa'yo? na iinsultuhin ka niya?"

"Uhm... O-oo--"

"Oo? Hindi dapat ganoon, Amara. Sana pinilit niyang kilalanin ka sa maayos na paraan, hindi yung ganoon na kung anu-ano ang tinatanong sa'yo. I expected her to like you because she loves me and she loves everything I do. I do you so I... I thought she'll love you just as much as I do."

"N-nung pumunta siya sa school. Y-yung hinarap ako sa lola mo, ramdam ko yung tingin niya sa'kin. Yung tingin na ang pangit sa mata, yung tingin na akala mo ay pati kaluluwa mo, binabasa. Yung tingin na kahit hindi niya sabihing ayaw niya sa akin, ramdam ko na ayaw niya talaga." Ayos lang kaya kay Mateo na marinig ang opinyon ko sa lola niya? Hindi kaya siya magalit sa akin? 

Sinapo niya ang mukha niya. "Oh god! Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"H-huh? P-papaano ko sasabihin sa'yo?"

"That was her first impression and that does not mean na iyon din yung last. Sana sinabihan mo ako about the way she looks at you. Sana sinabi mo so I can do things to help you--to at least tell her she's wrong about what she seems is right about you."

"Things to help me? Pati iyon iaasa ko sa'yo?" Tanong ko sa kaniya. Parang lahat na lang ay si Mateo ang gumagawa ng paraan.

"Oo naman, bakit hindi?"

"P-parang lahat na... ikaw. Parang lagi mo na lang akong pinagsisilbihan kaya rin siguro gano'n ang tingin ng grandma mo sa akin."

Sarkastiko siyang natawa. "What do you mean? Of course, I'll help you. I'm your boyfriend--"

"And what?" iritado niyang tanong. "Walang kinalaman yung pagsisilbi ko sa'yo sa tingin ni grandma--"

"Mayroon!" sagot ko sa kaniya. "P-pakiramdam niya pinagsasamantalahan kita! Pinagsasamantalahan ko 'yong kabutihan mo. Yung pera niyo, yung pangalan niyo."

"Ano naman? Eh, kung iyon ang gusto ko?"

Bumuntong-hininga ako sa sagot niya. "'Yon ang gusto mo, p-pero sa ginagawa mo... ako yung sumasalo."

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon