La Estrellas 14

122 7 7
                                    

Sabi ni Dea yung mga M

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sabi ni Dea yung mga M.U. raw na 'yan ay hindi raw nagtatagal, kumbaga lipasan lang talaga ng oras kaya nga nakapito siyang M.U. kaya kinabahan ako dahil baka mamaya ay hindi rin kami magtagal. Pero nasa humahawak na rin ng relasyon 'yon dahil itong si Dea ay ibang-iba sa mga taong nakilala ko, siya yung tipo ng babae na kung ano ang maisipan, kung ano ang magustuhan at mahiligan iyon ang gagawin niya. Kahit pa maiwanan niya yung ginagawa niya ngayon basta ay may maisip siya, itutuloy niya. 

Naisipi ko tuloy na baka ganoon din siya sa mga naging M.U. niya. Baka mabilis siyang magsawa, kung may makitang magugustuhan, imbis na ituloy ang relasyon niya ng ka-M.U. niya ngayon, yung taong nagustuhan niya ang ipu-pursue niya. 

Sobra akong natutuwa dahil isang buwan na kami. Hindi ko nga akalain na aabot kami ng isang buwan, akala ko pagdating ng isang linggo, aayaw na siya.

Marami na ang nangyari sa isang buwan naming mag-M.U. Malimit na siyang pumupunta ng school pero kung pupunta ay lagi akong ine-excuse sa kung anong klase ang madatnan niya. Mabilis namang pumapayag yung mga teacher dahil baka raw tungkol sa scholarship 'yon pero ang hindi nila alam, dinadalhan ako ni Mateo ng makakain at kung minsan ay nagku-kwentuhan pa kami.

Hindi rin siya pumapalya sa paghatid sa akin sa school kaya minsan ay nakakapagtaka dahil may trabaho siya. Minsan ay hanggang sa gate nga lang kung may trabaho siyang pupuntahan at kung pupunta man ng school, ipina-park niya sa loob ang kotse niya at doon ay sabay kaming lumalabas. Wala gaanong estudyante ang nakakakita dahil maaga ang pag-alis namin dahil maaga ang pasok niya. 

Nito lang din nalaman ng mga kaklase ko ang relasyon namin ni Mateo. Kahit anong tago ko, itong si Mateo ay talagang pinahahalata na mayroong namamagitan sa amin sa paraan nang pagsunod niya sa akin hanggang sa classroom at pati ang paghihintay niya sa may corridor. Minsan pa ay bigla-biglang kinukuha ang bag na hawak ko, siya na raw ang magdadala. 

Sino ang hindi mapapa-isip doon? Puro rin pagbubulungan ang naabutan ko sa tuwing babalik ako sa silid. Baka raw may iba na kaming ginagawa o baka naman sumisipsip lang ako. Ang malala ay baka pineperahan ko lang daw yung tao. Inaasahan ko naman na ang bagay na iyon, iyon nga rin ang ikinakatakot ko pero kasi... gusto ko talaga si Mateo kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras.

"Hoy! Anong pinagbubulungan-bulungan niyo riyan? Mga wala ba kayong magawa sa buhay at buhay ng iba ang pinakekeelaman niyo?" Hinarap ni Dea yung kumpol ng tatlong babae na laging nakatingin sa akin gamit ang mapanghusga nilang mata.

Iyong tatlo rin yung lagi nakasuri sa akin. Sa tuwing tatayo ako sa upuan, mata nila yung nakasunod, kapag magrerecite ako at kung magsasagot sa harap lagi silang nagbubulung-bulungan. Kung makikita naman nila sa likod ko si Mateo, mga parang inipit na daga sa tili.

Hindi nakasagot yung tatlo. "Halika na, umupo na tayo. Hayaan mo na sila," bulong ko kay Dea. Hinawakan ko ang braso niya at iwinaksi niya lang ito.

"Anong pumatol sa matanda?" sigaw niya sa tatlo. "Bakit? Ilang taon na ba si Mateo? 40? 57? 68? Lolo na ba 'yon? Eh bente-uno lang 'yon! Kung inggit kayo, sabihin niyo!"

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon