La Estrellas 2

328 20 33
                                    

"Ilan ho ang inabot?" Tanong ko kay nanay habang naghihiwa ng sayote

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ilan ho ang inabot?" Tanong ko kay nanay habang naghihiwa ng sayote.

Kuryoso lang dahil simula nang lumabas si Mateo hanggang ngayon ay hindi nawawala ang ngiti ni nanay. Napapakanta rin siya sa tuwa.

"Sampung libo," bulong niya sa akin.

Wow. "Seryoso, nay?" Nanlaki rin ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala.

"Oo! grabe, 'di ba? Pinapamigay lang yung ganito." Tinanguan ko si nanay. Sampung libo... pang-isang buwan na namin iyon, kung tutuusin nga ay baka sumobra pa dahil sa gulay na binigay nila.

"Siya nga pala. Pagbabalutan ko ng gulay si Merlita, i-abot mo mamayang hapon kasabay ng pagsundo mo kay Caesar," utos ni nanay.

"Opo, nay," sagot ko naman.

Kinwento ko kay Amaya ang nangyari. Isa rin siyang hindi matigil sa kakatili at tuwang-tuwa. "Sabi sa'yo, eh! Iba ang isang 'yon!" Si Mateo ang tinutukoy niya na ikina-iling ko.

"Sabi sa'yong hindi sa kaniya galing 'yon, kun'di sa Don," diniinan ko ang bawat salitang binitawan ko. Sa Don, sa tatay niya at hindi sa kaniya.

"Kahit na! siya pa rin ang nag-abot, isa lang ang ibig sabihin kapag gano'n." Kinunotan ko siya ng noo, anong ibig niyang sabihin?

"Huh?"

Bumuntong-hininga si Amaya. "E'di siya na ang susunod sa yapak, siya na ang susunod na magiging Don."

"Bata pa ang Don, ah."

"Bata pa nga, baka lang pinapraktis si Mateo." Praktis? Mag-abot ng pera?

"Ewan ko sa'yo. Maiwan na kita, pupunta pa ako kina Kenzo, dadalhan ng gulay si aling Merlita."

"Mag-iingat ka," aniya na ikinangiti ko.

Naglakad lang ako kaya halos umabot ng tatlumpong minuto bago ako umabot kina Kenzo. Hindi patag ang daan papunta rito at saka bago ka makarating sa bahay nila, may makitid na tulay kang madadaanan.

"Aling Merlita!" sigaw ko sa tapat ng tindahan niya.

"Aling Merlita!" sigaw ko ulit.

"Si Merlita? May kinuha lang saglit sa loob," ani nang matandang naninigarilyo. Naka-upo siya sa upuang gawa sa kahoy.

Umatras ako nang bahagya sa pwesto ng matanda dahil sa usok ng sigarilyo. May katabi rin siyang babae na hindi katandaan.

Bumaling ako sa kaniya nang magtanong siya. "Ikaw ba yung anak ni Chona? Yung taga-baba?"

Nahihiya akong ngumiti habang tumatango. "Opo, ako nga po."

"Ay siya," buntong-hininga niya. Umayos siya ng pagkaka-upo, isinandal ang likod at itinaas ang paa sa inuupuan. "Tapos ang tatay mo ay si Panchito na puno ng magsasaka sa Santa Catalina Sur?" Tanong ulit niya. "Iyon ba?"

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon