Iyon ang unang beses na halikan ako ni Mateo sa labi. Gulantang pa rin ako ngayon at kapag naiisip ko ay para akong mababaliw. Mabilis ang pangyayari, ilang araw kong iniisip at binabagalan ang eksena sa utak ko, inaalala kung gaano kalambot ang labi niya.
"Hawak ka nang hawak diyan sa labi mo, ano bang mayroon?" Pang-apat na tanong na ito ni nanay.
"W-wala ho--nay, pakiramdam ko ho nakagat ng ipis," sagot ko naman.
"Wala namang ipis sa taas, ahh?" ngumisi na lang ako.
Bumagal ang usad namin matapos no'ng araw na kina Mateo kami naggroupings, para bang makakagawa lang kami nang maayos kung doon kami sa kanila pu-pwesto. Hays. Hindi ko rin naman maintindihan ang iba sa mga kagrupo ko. Walang ganang makinig ang iilan sa akin, ganoon naman na sila una palang pero mas lumala ngayon.
"Kung hindi tayo uusad, hindi natin 'to maaayos nang maaga saka may mga parts pa tayo na kailangang ipa-consult," aniko sa kanila.
Tumangu-tango sila, alam kong ginagawa lang nila ito para kunyare ay pinakikinggan nila ako pero nag mga mata nila abala sa kanilang cellphone. Ito namang si Janine ay panay ang pagli-liptint.
"Sino bang pwedeng magpa-consult?" Tanong ko sa kanila.
Hindi agad sila sumagot kaya inulit ko.
"Sino pwedeng magpa-consult sa inyo?"
Naisip ko kasi na hindi ko kayang magpa-consult mamayang uwian dahil gusto kong i-sorpresa si Mateo. Sasabihin ko sa kaniya na magde-date kami sa Thursday dahil iyon ang monthsary namin.
Ilang segundo silang nanahimik bago magsalita si Janine.
"Ikaw na lang, leader ka naman."
Sinundan iyon ni Phoemela. "Oo nga, Amara. Ikaw na lang magpa-consult. May gagawin pa kasi ako mamaya, eh. Kailangan kong umuwi nang maaga."
"Deretso ako ng practice ng basketball, eh. Baka pagalitan ako ni Coach kapag na-late," Jay.
"Ako rin, aalis kami nina mommy." Ellisse.
"May gagawin din kasi ako e--" hindi ko naituloy ang sinasabi dahil sumingit si Janine.
"Oh? Anong gusto mong gawin namin? Eh wala kaming lahat mamaya, abala kami mamaya, abala ka rin. Ikaw ang Leader, alangan namang sa amin na member mo ibibigay 'yang trabaho mo na magpa-consult?" Tinaasan niya pa ako ng kilay.
Tinanguan ko na lang sila kahit medyo labag sa kalooban ko. Ako na nga ang nagtapos ng chapter na ito, ipapa-consult na nga lang nila, hindi pa nila magawa. Hays, ayos lang, sabi nga niya, ako naman ang leader.
"Sige. Kailan pala ang groupings natin?" Tanong ko ulit.
Nagkibit-balikat sila.
"Bukas?"
BINABASA MO ANG
Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)
RomansAkala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas madali kaya bakit hindi na lang ito ang gawin? Ang hindi niya alam, itong desisyon niya ang mag-iipit sa sarili at dudurog sa puso niya na magbi...