Kumakain ako nang napansin kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa kaliwang palapulsuhan ko kung nasaan yung leather bracelet na bigay ni Mateo.
"Saan galing 'yan?" Turo niya.
"Ito ba?" Itinaas ko pa ang kamay para mas lalo niyang makita.
"Oo, kanino galing 'yan?" Akma niyang hahawakan ang palapulsuhan ko nang ibaba ko ang kamay ko.
"Kay Mateo."
Halos matawa ako nang makita ang reaksyon niya. "Mateo? Massimo?" Halatang hindi makapaniwala. Siya lang naman ang Mateo na kilala namin.
"Oo."
"Binigay niya 'yan?"
"Oo."
Kinunotan niya ako ng noo. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa palapulsuhan ko. "Bakit--Paano niya nalaman na birthday mo?"
"Napag-usapan yata nila ako ng Don, no'ng nakaraang punta ko sa kanila. No'ng araw na rin yata niya nalaman ang birthday ko." Hula ko lang naman.
"Bakit ka naman no'n bibigyan ng ganiyan?" Inangat niya sa akin ang tingin na para bang nang-iinsulto at nangdidiri--Dahil yata sa tsismis.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Ako naman itong parang natatae sa tuwa sa ekspresyon niya. "Kung ano man 'yang nasa isip mo, walang nangyaring gano'n."
"Mabuti kung gano'n. Mamaya na-tsi-tsismis ka na rin nina Aling Lorna kay nanay eh--"
"Baliw ka!"
"Biro lang." Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin. Nakalabas narin kami sa Greenwhich nang maalalang bibili pa pala ako ng damit.
"Bakit ka huminto? May nakalimutan ka?" Binalingan niya ako.
"Damit, hindi pa natin nabibili."
"Magkano pa pera mo?" Tanong niya. Dali-dali ko namang dinukot sa bulsa ng pantalon ang wallet ko. May isang limang daan at apat na isang daan.
"900 pa," sagot ko sa kaniya.
"Department store na lang ulit tayo?"
"Mahal mga damit do'n." Isang t-shirt halos tatlong daan? tapos ang nipis pa ng tela.
"Eh saan gusto mo?"
"Sa may Tiangge kaya?"
"Sige," sagot niya. "Tara na."
Nilakad na lang namin papuntang tiangge. Malapit lang naman at saka mas makakatipid kami. Nagtingin-tingin kami hanggang sa makabili ako ng anim na t-shirt at dalawang pantalon.
"Magkano ho rito?"
"250, neng."
"250 ho? Nako, balik na lang tayo sa kabila. 150 lang 'yan do'n," ani Kenzo na halata namang pinaparinig sa tindera.
BINABASA MO ANG
Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)
RomanceAkala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas madali kaya bakit hindi na lang ito ang gawin? Ang hindi niya alam, itong desisyon niya ang mag-iipit sa sarili at dudurog sa puso niya na magbi...