"Na--" Babatiin ko sana si nanay... nang makitang naka-upo sa upuan namin si Mateo, naka-tshirt at pantalon habang nakadekwatro sa harap ng T.V. Anong ginagawa niya rito?
Kunya-kunyareng nanonood, eh, wala namang signal dito sa bahay. Anong pinapanood niya? Yung balitang halos puro gray na ang nakikita at yung boses ng reporter na hindi maintindihan?
Inangatan niya ako ng tingin kaya naman agad kong inalis ang tingin sa kaniya. Dumeretso ako kay nanay na nag-aayos ng mesa. "Nay," bungad ko sa kaniya. "Kauuwi ko lang ho galing kina Kenzo. Si tatay ho nandito na?"
"Hala, eh, batiin mo muan yung senyor. Bigla-bigla kang pumapasok sa bahay. Aba, Amara--" bago niya pa ituloy ang pagsesermon dahil lang sa nagawa kong hindi pagbati kay Mateo, nagsalita na ako.
"Nagugutom na ho ako, eh," sagot ko at hinawakan ang tiyan kaso hindi rin naman naging solusyon iyon para hindi na ako bumati sa lalaking ito.
May kasalanan ako kay Mateo at palagay ko... hindi niya ako mapapatawad sa nagawa ko. Napakakapal ng mukha ko para manampal ng senyor kaya kinakain ako ng hiya ko ngayon. Wala akong mukhang maiharap sa kaniya.
"Bumati ka muna," bulong ni nanay. "Saka ayusin mo rin 'yong antenna natin. Nakakahiya sa senyor."
"Ano ho ba ang... ginagawa niyan dito?"
"Hinihintay ang tatay mo, may sasabihin daw, importante." Ngumuso ako at bumaling na sa senyor.
Nasa likod niya pa lang ako nang batiin ko siya. "Magandang gabi ho." Para lang hindi ko siya makita at hindi rin tumama ang mata niya sa akin.
"Ayos na ho ba?" Tanong ko sa kaniya habang ginagalaw ang antenna. Nasa gilid ng T.V. bandang taas ang antenna namin kaya kinailangan kong tumingkayad.
"Ito ho? Ayos na ho ba ito?" Tanong ko ulit. Bumuga ako ng hangin nang hindi niya ako sagutin. Kaya sinilip ko muna yung T.V. bago magpatuloy. Nag-gi-glitch pa rin.
Bumuntong-hininga ako. "Ayos na ho ba--"
"Ako na," aniya sa gilid ko.
Halos tumalon ang dibdib ko nang magsalita siya sa gilid ko. Malikot ang mata ko nang iabot sa kaniya at ituro kung paano ang gagawin. Kinuha niya ang antenna sa kamay ko, dumampi nang kaunti ang kamay namin kaya bigla kong ianlis ang akin na parang napaso.
"Iyan ho, galawin niyo lang," aniko nang hindi siya tinitignan.
Siya naman itong hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi niya tinitignan ang hawak-hawak niyang antenna. Umabante siya palapit sa akin kaya umurong ako palayo sa kaniya nang isang hakbang.
"Uncomfortable?" Bulong niya, ilang saglit lang ay biglang luminaw ang T.V. namin. Hihiyaw sana ako nang ma-aalala kung sino ang nag-ayos, huwag na lang.
Umabante siya papunta sa akin kaya napaatras ako. "Why does it felt like my hands are always dirty when it touches you?" bulong niya.
"H-ho?"
BINABASA MO ANG
Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)
RomanceAkala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas madali kaya bakit hindi na lang ito ang gawin? Ang hindi niya alam, itong desisyon niya ang mag-iipit sa sarili at dudurog sa puso niya na magbi...