La Estrellas 16

107 4 11
                                    


"Bakit namamaga ang mata mo?" usisa ni nanay pagkababa na pagkababa ko ng hagdan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit namamaga ang mata mo?" usisa ni nanay pagkababa na pagkababa ko ng hagdan.

Huh? Namamaga ang mata ko? Agad ko itong kinapa, dinadamdam ang pagkamaga. 

Ultimo ako ay nagulat nang mapansin ni nanay ang mata ko. Wala akong ideya na sa kaiiyak ko kagabi, namaga ang mata ko. Mas lalo pa akong naiyak nang hindi niya ako sundan at hanapin sa bahay. Hindi ako nakakain at walang maayos na tulog dahil doon. 

Oo nga at kumpara sa natural na mata ko, matambok nang kaunti ang talukap nito. "Ito po?"

"Oo, Anong nangyari diyan at para kang sinapak?"

"Kagat ho ng ipis," sagot ko at dumeretso na sa hapag. Maaga ako at may pasok pa. 

"Kagat ga iyan ng ipis?" pagdududa niya. Akma pang lalapit sa akin nang umatras ako.

"Opo, nay. Huwag niyo ho hahawakan---"

"Kagat ng ipis, eh bakit parehas na mata ang mayroon?"

"Baka po hindi nabusog sa kanan kaya ho lumipat sa kabila--"

"Aysus--"

"O baka kaya naman ho dalawang ipis ang sumampa sa mukha ko--"

"Bakit naman magkakaroon ng ipis sa kwarto niyo? Eh, hindi naman binubuksan ang bintana--"

"Ewan ko rin ho, nay." Sumuko na ako at baka malaman pa ni nanay ang totoong dahilan ng pagkamaga ng mata ko, malaman pa niyang umiyak ako.

Halos tatlong oras kong inisip yung kagabi. Sa tuwing pipikit ako, kamay ni Viviane at braso ni Mateo ang nakikita ko. Argh! 

"Alis na ho ako, nay!"

"Bago ka umalis lagyan mo muna ng aloe vera ang mata mo."

"Huwag na ho, nay. Nandito na rin naman ho si Kenzo," pagdadahilan ko.

"Oh siya. Mag-iingat ka."

"Opo!" sigaw ko at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Kinapa ko ulit ang namamagang talukap ng mata ko. Hindi kaaya-aya ang itsura ko ngayon dahil sa namamaga kong mata. Ang nakakainis pa ay mas malaki ang pagkakamaga ng kaliwa kaysa kanan.

"Oh? Bakit namamaga mata mo?" Tawa ni Kenzo nang makita niya ako. Tila ba sayang-saya siya sa kaibigan niyang namamaga ang mata. 

Siniko ko siya. "Huwag mo na ngang pansinin."

"Anong ginawa mo? Gutom ba ipis sa inyo?" tawa niya ulit na ikinaasar ko.

Siniko ko siya sa pagbibiro niya. "Huwag mo na kasing pansinin. Nakakainis nga at ang laki ng kaliwa tapos itong sa kanan ay hindi gano'n kahalata."

Siniko ko ulit siya nang tawanan niya ulit ang itsura ko. "Gusto mo bang magshades muna?"

"Saan ka naman kukuha no'n?" pabiro ko siyang inirapan. 

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon