La Estrellas 28

70 1 0
                                    

Ipinantay ni mateo ang tingin niya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinantay ni mateo ang tingin niya sa akin. Nilapit niya rin ang mukha niya at hinalikan ang labi ko. Pumikit ako at ninamnam ang lambot ng labi niya sa akin. Idinilat ko rin ang mata ko sa pag-aakalang iyon na 'yon pero hindi niya pa rin inaalis ang dampi ng labi niya sa akin bagkus ay saglit niyang idinilat ang mata niya at iginalaw nag labi niya sa akin. 

"Open your mouth, Amara," aniya sa gitna ng ginagawa niya. 

Estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. 

"Open it," pag-uulit niya na ginawa ko naman.  

Mas lalo niyang inilapit ang katawan ko sa kaniya na halos hindi ko na maigalaw ang akin dahil sa kabang baka may iba akong mahawakan o masanggi. Bukas na bukas ang mata ko samantalang ang kaniya ay nakapikit. 

Iginalaw niya ang labi niya, sinundan ko ang paggalaw ng kaniya dahil hindi naman ako marunong humalik. Huminto siya nang maramdamang hindi ako komportable sa ginagawa namin.  

Binitawan niya agad ang pagkakahawak sa beywang ko. Inangat ko ang tingin sa kaniya na biglang nawala ang pagkasabik sa mata.

Kita ko ang malikot na pag-ikot ng mata niya. "Uh--Sit here." Siya ang humila ng upuan sa tavbi ng kabisera. 

Lumunok ako at umupo na. Ibinigay niya rin sa akin yung bulaklak na hindi ko alam kung ano ang tawag dahil ito ang unang beses kong makakita ng ganoong klaseng bulaklak. 

"T-thank you," ngiti ko sa kaniya. 

Nginitian niya rin ako at naupo na sa pwesto. Itinikom ko ang bibig at ibinaba nag tingin sa mesa. Bigla kasi kaming tumahimik nang bitawan niya ako. S-siguro inaasahan niyang... sasagutin ko yung halik niya, o 'di kaya naman ay baka akala niya marunong akong humalik?   

Nginitian niya rin ako at inuna ang paglalagay ng table napkin sa kandungan ko. 

Ilang minuto kaming  hindi nagsasalita at parang nagpapakiramdaman. Inalis ko ang kaba ko nang magtanong ako sa kaniya. 

"Ang... Ang ganda nitong bulaklak. Anong tawag dito?" 

Inangatan niya ako ng kilay. "Uhh--Hindi ba't sinabi mo sa'kin na gusto mo ang buttercup?" 

Tinaasan ko siya ng kilay at mabilis na inalis ang tingin sa kaniya. "Ahh..." tumawa ako. "Oo! Oo! gusto ko itong buttercup na kulay pula." 

Simulyap ako sa may pinto kung saan pumasok yung dalawang katulong nila, dala-dala ang pagkain namin. 

Lumunod ako, hindi ko alam na sinabi ito ni Amaya kay Mateo. Wala akong paboritong bulaklak dahil para sa'kin lahat sila maganda, gustong-gusto ko rin yung mga bulaklak na humahalimuyak. 

"You also told me you like it red and so I bought it. I surprised you, you liked it?" 

Tinanguan ko siya. "Oo naman!" at inamoy-amoy ko ang bulaklak na ipinagtaka ko dahil wala akong maamoy. 

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon