La Estrellas 29

72 1 0
                                    

"Anong score niyo?" Tanong ni Kenzo sa'ming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong score niyo?" Tanong ni Kenzo sa'ming dalawa. 

Martes na ngayon at ang subject na tinest namin ay Fundamentals of ABM at Statistics and Probability. Gusto ko na lang humimlay nang makita ko ang scores sa parehas na subject. Nagreview naman ako pero bakit hindi ko makita sa scores ko na nagreview ako?

"43 over 50 sa FABM, gano'n din sa Stats," sagot ni Dea. 

Tinanguan siya ni Kenzo. "Pwede na, nakapasa ka," tawa nito, pagkatapos ay bumaling naman sa'kin. "Ikaw? Anong score mo?"  

"39 sa FABM, 42 sa Stats," matamlay kong sagot. 

"Oh, bakit ganoon lang?"

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko alam."

"Ano na bang nangyayari sa'yo?" Tanong ni Kenzo. "Ang bababa ng scores mo, ah? Narinig ko sa may faculty, pinag-uusapan ka, Estrellas daw, nagremedial." 

"Parehas kaming nagremedial," singit ni Dea. 

"Hindi ka naman si Estrellas kaya hindi ka kasali." Sinimangutan lang siya ni Dea. 

 "Ewan ko," sagot ko. 

"Sus, alam mo, Kenzo. Ang tahimik na niyan ni Amara. Ewan ko diyan, hindi nagsasalita, hindi nagku-kwento, hindi ko tuloy alam kung anong problema." 

Natanaw ko sa hindi kalayuan ang kotse ni Mateo. "Mauna na ako sa inyo," aniko sa kanila at nagpaalam na. 

Bagsak ang balikat ko nang makaupo sa sasakyan ni Mateo. Napansin niya ito kaya habang nagmamaneho siya, palinga-linga siya sa akin.

"Anong problema?" tanong niya.

"Wala," matamlay kong sagot.

"Are you sure? o ayaw mo lang sabihin?"

Ngumuso ako. "Papangit nang papangit ang performance ko sa school."

Kunot ang noo niya nang lingunin ako. "Papangit nang papangit? Hindi ba't sinabi mo sa akin na magrereview ka at gagawa ng performance task no'ng sabado?" 

"Oo."

"Bakit biglang ang pangit na ng performance mo? Periodic test niyo ngayon, anong scores mo?"

"39 at 42." 

"What?" Gulat niya na parang hindi narinig ang sinabi ko. "39 at 42?" 

"Oo." 

"How about Dea?"

"43." 

"Bakit ganiyan ang scores mo? Binibigyan naman kita ng oras dyan sa pag-aaral mo. Hindi naman ako nakikisabay, iyan nga ang pinapauna ko sa'yo 'di ba? Priorities mo muna, Amara, kahit mamaya na ako."  

"Sorry." 

"Sorry? Matatapos na ang first semester, sorry? Anong magagawa ng sorry mo?" pagalit niya. "Paano na lang kapag nalaman ni grandma 'yan? baka mawala ka sa scholarship niyan." 

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon