La Estrellas 18

85 3 8
                                    


Linggo ng umaga nang lapitan ko si nanay para tanungin siya sa sinabi niya no'ng biyernes, no'ng pumunta si Mateo rito sa bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Linggo ng umaga nang lapitan ko si nanay para tanungin siya sa sinabi niya no'ng biyernes, no'ng pumunta si Mateo rito sa bahay. Hindi ko kasi mapigilang makuryoso sa istorya ng dalawa. Simula rin no'ng Biyernes, naging tahimik si tatay. Siguro ay malalim pa rin ang pag-iisip sa desisyon namin ni Mateo. 

"Nay, ano po yung sinasabi ni tatay no'ng Biyernes?" tanong ko sa kaniya na naglilinis ng isda.

"Alin doon?" 

"Y-yung sa inyo pong dalawa?" Patanong pa ito dahil nahihiya akong itanong kay nanay ang tungkol sa kanila ni tatay. 

"Ahh." Sinulyapan ako ni nanay at binigyan ng ngiti. "Parang kami lang din kayong dalawa," bulong niya kahit kami lang naman dalawa ang nandito sa baba. 

"Sa anong paraan po?" 

"Tigilan mo nga." 

Kumunot ang noo dahil kanina handa na siyang magkwento pero ngayon ay pinapatigil ako habang nangingiti. 

"Kahit kaunti lang, nay," pamimilit ko sa kaniya na nangingiti na.

"Ay, siya! Manahimik ka at baka kung ano ang magawa ko sa'yo." Kunya-kunyaring ayaw magkwento pero nangingiti naman. '

"Sige na ho, nay. Kahit kaunti lang." Kinalabit ko ang beywang ni nanay. 

"Aba!" hiyaw niya nang natatawa. "Tigilan mo ang pagkiliti at baka tumalon ang isda sa'yo." 

"Nay, kahit kaunti lang. Interesado lang ako." 

Ngumuso si nanay para itago ang ngiti niya. "Oh siya." at bumigay rin. 

"Paano po kayo nagkakilala?" 

"Sa Rizal kami nakatira noon tapos 3rd year high school ako, naging classmate ko ang tatay mo. Madalas 'yang pumasok nang walang laman ang bag, ang bulsa pati ang tiyan. Madalas na napapagalitan ng teacher kasi pumapasok nang walang ayos tapos madalas pang matulog sa klase." 

Tumangu-tango ako kay nanay. Ibang klase pala si tatay.

"Sa akin siya natabi. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman kami mahirap. May kaya lang ang pamilya namin kasi mayroon kaming malaki at kumikitang bakery." 

Ohh. May kaya naman pala sina nanay. Bakit kami nauwi ngayon dito sa probinsya na walang pera? 

"Tinulungan ko ang tatay mo. Isang buwan din bago ko siya kausapin at tanungin kung ano ang problema niya. Hindi ko na matandaan kung anong sagot niya basta't ang alam ko, pinaalis na siya sa tinutuluyan niya dahil iniwan na siya ng tita niyang nagbabayad ng inuupahan nila. Wala siyang makain dahil wala naman siyang kwarta kaya sinabi ko sa lolo mo na kung pwede ay tulungan namin ang tatay mo." 

"Matalino ang tatay mo, masipag, wala nga lang talagang kwarta."

"Pinapasok siya ng lolo mo at sa may bakery na rin pinapatulog, bantay rin para walang makapasok o mapuslit. Tinulungan naman siya ng lolo mo hanggang sa gumraduate kami ng high school at ito na nga at nagkolehiyo na kami..." Tinaasan ako ni nanay ng tingin at parang may ibang ipinapahiwatig.

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon