"Umuwi na tayo," aniko kay Dea. Hinawakan ko ang kamay niya para lingunin niya ako pero ang tingin niya ay purong nasa gitna ng court. Kung nasaan ang mga naglalaro.
"Bakit naman? Wala pa nga tayo sa kalahati ng program," saad niya at saka tumawa.
Bumuntong-hininga ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko, para akong sasabog. "Bakit namumula ka?" singit ni Kenzo. "Saka kaninong coat 'yang suot mo?" Nakakunot ang noo niya sa suit jacket na nakapatong sa balikat ko.
Nadala ko pala. Sana ay ibinigay ko na sa kaniya bago ko sila tinalikuran. "H-ha?"
"Namumula ka," ani Kenzo sa akin at nang balingan ko siya, akma niyang ipapatong ang likod ng kamay sa noo ko nang iatras ko ang katawan sa kaniya. Nahagip kasi ng tingin ko si Mateo na palabas pa lang sa kung saan kami galing kanina, nakasunod sa kaniya yung tatlo niyang kasama at saktong-sakto ang tingin niya sa pwesto ko na parang alam na alam niyang dito talaga ako nakaupo.
Umayos tuloy ako sa pagkakaupo. "Wala ito."
"Hindi ka ba mainit?" Tanong ni Kenzo.
"Hindi... Ano lang 'to--Uhh--Siguro dahil sa init, ang init kasi ro'n," pagdadahilan ko na tinanguan naman niya.
Hindi ko nakita si Mateo na dumaan sa harap namin kaya baka sa likuran siya dumaan. Nakita ko na lang kasi na nandoon na agad siya sa may harapan. Naka-dekwatro at paminsan-minsa'y nahuhuli ko ang tingin sa akin.
Yung tatlo naman ay nasa baba rin, may kalayuan sa pwesto ni Mateo. Nagtatawanan ang tatlo, mukhang nagsasaya sa pinapanood.
Hindi ko naman napilit ang dalawa na umuwi na. Itong si Dea ay nagsasaya pa sa panonood, ang sabi ay mamaya nalang daw siya uuwi kung gusto ko raw mauna, mauna na ako, okay lang naman daw siya.
"Sigurado ka ba, Dea?"
"Oo naman! Alam mo bang ito talaga yung gusto kong pinupuntahan? Yung mga event, may sawayan, may laro. Ang saya kaya tapos ikaw, uuwi na? Bakit naman?"
"Ewan, naiinip na ako."
"Naiinip ka? Sumali ka sa laro para hindi ka mainip at saka--" Bumagsak ang tingin niya sa nakapatong sa balikat ko. Inilapit niya ang katawan niya sa akin at bumulong "Kay Mateo 'yan ano?"
Tinanguan ko lang siya at niyugyog na naman ako. "Sabi na eh! Kaya pala walang suot-suot na coat do'n sa harap, nasa'yo pala."
"Inabot niya lang kasi nilalamig ako, labas kasi tyan ko, eh."
Unti-unti namang namilog ang bibig niya. "Oh my god--huwag mong sabihing nag-usap kayo ro'n?"
Tinanguan ko siya. "Oo," naiilang kong sinagot.
"Anong pinag-usapan niyo?"
"Pinagalitan niya ako--"
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)
RomanceAkala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas madali kaya bakit hindi na lang ito ang gawin? Ang hindi niya alam, itong desisyon niya ang mag-iipit sa sarili at dudurog sa puso niya na magbi...