La Estrellas 31

82 1 0
                                    

"Hindi ka sasabay sa amin? Susunduin ka ba ni Mateo?" Tanong ni Dea habang inililigpit ko ang mga gamit ko at ibinabalik sa loob ng bag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ka sasabay sa amin? Susunduin ka ba ni Mateo?" Tanong ni Dea habang inililigpit ko ang mga gamit ko at ibinabalik sa loob ng bag.Kakatapos lang ng klase namin.

Inilingan ko siya. "Hindi ako makakasabay sa inyo. May ibang susundo sa akin, eh." Si Tyson ang susundo sa akin ngayon dahil pag-uusapan daw ang surprise kay Mateo para sa sabado. 

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin habang pinanliliitan ako ng mata. "Sinong susundo sa'yo?" Tanong niya sa tonong nang-uusyoso. 

Tinawanan ko siya dahil sa tono niya at sa pag-iisip niya ng iba. "Yung kaibigan ni Mateo."

"Hmmnn," aniya at ngumuso. "Sinong kaibigan?" 

"Si Tyson Reid." 

Laglag ang panga niya nang marinig ang pangalan. "Siya yung gwapong nag-post dati nung video ni Mateo kasama ni Viviane 'di ba?" Pinaalala niya pa. "Yung half-half 'di ba?"

"Oo," sagot ko. 

"Kung ganoon... siya yung maputi na may katangkaran na may freckles at may kahabaan ang buhok?"

"Siya nga." 

"Uy! Sabay ako sa'yo, hanggang sa baba lang. Gusto kong makita si Tyson!" 

Tinawanan ko siya. "Bakit gusto mong makita?"  

"Wala lang--Ano... gwapo, eh."

"Pwede naman," sagot ko sa kaniya. "Anong oras na ba?" 

Sinilip niya ang wrist watch niya. "2:45." 

"Sakto. Mga 3 nandito na 'yon."

Pumalakpak siya at malawak na ngumiti na ultimo ay nanalo sa lotto. "Yes! Yey! Thank you! Sa susunod sabihan mo ulit ako kung siya susundo sa'yo, ha?" Hinawakan niya pa ang balikat ko. 

"Ano ka ba, ngayon lang 'yon dahil isu-surprise namin si Mateo," bulong ko. 

Tumangu-tango naman siya. "Oh, kailan ang birthday?" 

"Sa Sabado pero may garbong handaan din sa mansion ng linggo." Kay Amaya ko ito nalaman, siya ang nagsabi sa'kin na may surpresang magaganap kay Mateo sa Sabado habang ang handaan naman sa mansion ay sa Linggo. 

Linggo raw ginawa dahil grandma ni Mateo ang naghanda. Ngayon pa lang tuloy ay kinakabahan na ako. 

"Pupunta ka?" 

"Aba, oo naman!" 

"May naisip ka na bang ireregalo?" Tanong niya at naupo sa mesa namin. 

Regalo... Umiling ako. "Wala pa, pero ano kayang magandang iregalo sa kaniya? Yung mura lang sana. Yung hindi lalagpas ng limang daan." 

Kinuha ko ang pitaka sa bag ko at binuksan ito. Kinuha ko ang laman at binilang ang mga ito. "100... 200..." May tatlong singkwenta at sampung bente. "550..." 

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon