La Estrellas 35

70 0 0
                                    

Hindi ako iniwan ni Severino hanggang sa maka-akyat sa labas ng opisina ni Mateo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako iniwan ni Severino hanggang sa maka-akyat sa labas ng opisina ni Mateo. "Pwede bang dito ka lang sa labas, Severino? Hindi ko yata kakayaning lumabas nang mag-isa," ani ko kaniya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Sure, Amara. I'll wait for you sa stairs. Huwag ka ng umiyak, hindi matutuwa si kuya kapag nakita kang ganiyan."

"Mayroon pa ba 'yong hindi ikakatuwa?"

Ngumisi siya. "Oo naman. Ikaw pa rin naman 'yan, ang pinagkaiba lang... may natitira pa bang tiwala sa'yo--"

Sumimangot ako at nagsimula na namang mangilid ang luha. 

"Ayan ka na naman. Pumasok ka na, huwag ka na umiyak."

PInilit kong ngumiti sa sinabi niya. "Pasensya ka na, Severino. Huwag sanang mag-iba tingin mo sa akin. Magpapaliwanag ak-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na agad siya.

"Hindi na kailangan, Amara. Sige na." Binitawan na ako ni Severino.

Bago ko tuluyang buksan ang pinto, huminga muna ako nang malalim at nagpakawala ng hangin. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito, tatanggapin ko na lang lahat ng masasakit na salita, tutal deserve ko naman 'yon. 

"Explain yourself," Malamig na sabi ni Mateo. 

"Kailan pa?" Mariin na nakatusok ang tingin ni Mateo sa akin na nakatayo sa harap ng mesa niya na 'di kalayuan. Siya naman ay prenteng naka-upo habang nakadekwatro.

Yumuko ako. Kinagat ko ang labi ko dahil ayaw kong sagutin yung tanong niya. Ayaw kong magsalita dahil baka sa bawat salita na ibabato ko sa kaniya, mas lalo lang siyang masaktan. Sobrang naninikip ang dibdib ko sa tuwing magtatama ang tingin namin. Guilty'ng-guilty ako sa nagawa ko. 

"Pa-patawarin mo... 'ko," pagmamakaawa ko sa kaniya. "Mahal kita, Mateo." Niyakap ko ang sarili ko nang makaramdam ng lamig, idagdag pa ang tingin sa akin ni Mateo.

"Kailan pa?" Tanong niya ulit, tumaas na ang boses niya rito na may halong gigil. Hindi ko ito sinagot kaya inulit niya. "Kailan pa!" sigaw niya sa akin na nagpapikit at nagpataas ng balahibo ko. Tumulo ulit ang luha ko dahil sa takot.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Wala pa rin siyang reaksyon, blanko lang ang mukha niyang nakatitig sa akin. "N-nung n-nakaraan lang..."

"Tangina anong nakaraan? Gusto ko yung partikular na petsa!"  

"Bago ka u-umalis papuntang M-mayni--"

Hinampas niya yung mesa na ikinagulat ko. "Sabi na eh--"

"Hindi mo ba alam na nakita ko kayo ni Kenzo no'n? Sakay ako nung itim na kotse tapos kayong dalawa ni Kenzo, sa likod kayo naka-upo tapos suot-suot mo pa yung kwintas nung araw na 'yon kaya kahit gabi na--! Amara, makikita kita!"

"Pasensya na. Hindi ko naman ginustong sumama kina kenzo no'ng gabing 'yon pero-"

"Hindi mo ginustong sumama? pero doon ka sumama? You left me, Amara. You can't really choose me over Kenzo, right?" Pumikit ako sa pagtarak ng salita niya sa dibdib ko. Hindi ko ba talaga siya kayang piliin? Sa araw-araw naman siya ang pinipili ko.

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon