"I want you to wear your best," ani Mateo sa akin habang nakahawak sa beywang ko. Nandito kami sa gitna ng palayan, katabi namin si Domino na sinakyan ni Mateo papunta rito sa amin. Wear your best means wear the dress na binigay niya.
Tinanguan ko siya. "Isusuot ko 'yong binigay mo."
Hinalikan niya ang noo ko at bumulong, "Good girl--"
"Uhh-- I'll not be able to fetch you later. Is it okay for you?" Inangatan ko siya ng tingin.
"Ayos lang. Umuwi ka na kaya? kasi anong oras na oh? Kailangan mo pang maghanda ng sarili mo," ani ko sa kaniya at tumingin sa langit para ipakita sa kaniya hindi na ganoon kasinag ang araw at maya-maya lang ay kukulimlim na rin.
"Alright, I love you. Don't forget your necklace." Hinalikan niya ulit ang noo ko bago lumayo sa akin at sumampa kay domino. Hinimas ko si Domino bago pa sila makaalis, winagayway ko rin ang kamay ko at sumigaw ng 'Maligayang kaarawan, Mahal!' kay Mateo habang hindi pa siya gano'ng nakakalayo.
"Bilisan mo, Amara. Anong oras na, maga-alas singko na!" sigaw ni nanay sa akin. Nagsasabon ako ng katawan nang biglang may nagsalita sa labas ng pinto.
"Ang tagal mo, bilisan mo naman." Boses iyon ni Amaya, bakit naman maliligo pa siya ng ganitong oras? Baka magkasakit pa siya.
"Bakit ganitong oras ka na maliligo?" Tanong ko mula sa labas na hindi naman niya sinagot kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagliligo ko. Nang makalabas ako ay dali-dali rin naman siyang pumasok sa palikuran.
Umakyat na ako kaagad nang makapasok sa bahay at tinawag si Inay para tulungan ako sa pagbibihis at pag-aayos ng sarili ko. "Hindi kaya lamigin ako rito, Nay?" Tanong ko kay Nanay.
Maikli kasi ang buhok ko at kita ang gitna ng dibdib at likod ko. "Bakit naman? Ang ganda-ganda mo nga," ani Nanay sa akin.
"Labas po kasi ang katawan ko," sagot ko kay nanay at mabilis na niyakap ang katawan.
"Huwag mo ng isipin 'yon. Maganda naman ang katawan mo. Mukha ka ngang porenjer." Foreigner, pagtatama ko kay Nanay sa isip ko. "Para ngang hindi ka namin anak ng tatay mo," puno ng galak na sabi ni Nanay.
Kahit ako rin, napansin ko ang pagbabago sa mukha ko. Sa edad kong 18, nagmukha akong bente. Ganito pala talaga ang kolorete, minsan nakakapagpatanda at minsan naman ay nakakapagpabata.
Nag-uusap kami ni Nanay nang bumukas ang pinto at iluwa si Amaya. Tumunog din ang cellphone ko na nakapatong sa tukador.
May mensahe galing kay Mateo.
"Ready yourself. After a couple of minutes, my driver will fetch you. I love you, Amara," binasa ko sa isip ang mensahe niya at siyempre, kinilig ako kaya nagtipa ako ng mensahe pabalik.
To: Mateo
I love you too, Mateo.
"Saan ang punta ni Amaya, Nay?" Tanong ko kay Nanay habang nakatingin kay Amaya na nagbibihis din.
BINABASA MO ANG
Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)
RomantizmAkala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas madali kaya bakit hindi na lang ito ang gawin? Ang hindi niya alam, itong desisyon niya ang mag-iipit sa sarili at dudurog sa puso niya na magbi...