La Estrellas 12

107 5 15
                                    


Suot ko ang itim na croptop na ibinigay ni Dea, pambaba ko naman ay pantalon na hindi high waist kaya nakikitaan ako ng tyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Suot ko ang itim na croptop na ibinigay ni Dea, pambaba ko naman ay pantalon na hindi high waist kaya nakikitaan ako ng tyan. Kanina pa nga ako nagtatanong kay Amaya kung ayos lang ba ang suot ko pero tinatawanan niya lang ako.

"Ayos lang ba? Huwag ka namang tumawa-tawa riyan," inis kong sabi sa kaniya. Komportable naman ako sa suot ko, ang inaalala ko lang ay paano kung hindi pala bagay sa akin? Hindi kasi ako tulad ni Dea na may tiwala sa sarili at sa kaniyang porma.

"Subukan mong magtanong kay nanay kung ayos lang," pang-aasar niya sa akin. Alam kasi niya na hindi papayag si nanay sa ganitong ayos at mas lalo na si tatay, buti na lang hindi niya ako maaabutan.

"Sige na, tanungin mo na si nanay. Bumaba ka na," pamimilit niya sa akin na kalaunan ay ginawa ko rin naman.

Dahan-dahan akong bumaba. Sumisimple pa ako ng silip dahil sa kaba sa magiging reaksyon sa akin ni nanay. Iniisip ko na talagang manlalaki ang mata niya at agad akong tatampalin sa braso pero iba ang naging reaksyon niya nang makita niya akong hindi mapakali sa pagtakip ng tiyan ko.

"Aba, ang anak ko!" alis niyang sinabi pagkatapos ay binitawan ang hawak-hawak niyang walis-tambo.

"N-nay--"

Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap nang mabuti sa kaniya. "Ibaba mo 'yang kamay mo. Sino ang nagbigay niyang damit sa'yo?"

"Yung kaibigan ko po," sagot ko sa kaniya at agad na tinikom ang bibig.

"Naku, pu-pwede ba 'yang ayos mo? Papapasukin ka ba sa Tayabas niyan?" Tanong niya habang sinisilip ang suot ko. Nanlaki pa ang mata nang makita ang tatak ng croptop na suot ko. "H&M," bulong niya.

Sa pagkakaalam ay oo. "Sabi naman po, kahit ano raw ang suotin basta komportable. Huwag lang daw magshorts at magsando sa pangtaas." Fitted na t-shirt na croptop itong suot ko kaya ayos lang at hindi naman ako mapapalabas mamaya.

"Ayon naman pala."

"O-okay lang po ba 'tong suot ko? Ayos lang po ba--"

Hindi ko pa natatapos ang itatanong ko, inunahan niya na ako. "Oo naman! Huwag ka lang papakita sa tatay mo," aniya at tumawa na ikinatawa ko rin.

"May naiwan ka pala sa may poso kanina." May kinuha si nanay sa bulsa niya at saka inabot sa akin. "Kanino 'to galing?" Tanong niya matapos kong makuha sa kamay niya yung leather na bracelet. Kaya pala parang may kulang sa akin simula nang umakyat ako.

"K-kay Mateo po," sagot ko.

Napahinto si nanay sa pagsasalita. Isinara niya rin ang bibig niyang naka-awang at saka inilagay sa likod ng tainga ko ang takas na buhok. "Oh siya, mag-iingat ka." Akala ko ay uusisain niya ako sa sagot ko pero nanahimik lang siya. Kita rin naman sa mata niya ang tuwa at ang pagpipigil. "Sino pala ang kasabay mo?"

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon