Prologue

667 28 34
                                    

Paulit-ulit na lang pero kasi totoo naman, na hindi masama kung mayroon kang magugustuhan lalo na kung nasa tamang edad ka naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paulit-ulit na lang pero kasi totoo naman, na hindi masama kung mayroon kang magugustuhan lalo na kung nasa tamang edad ka naman. Kinse anyos na ako at mulat na sa ganitong bagay, paano ba naman kasi karamihan sa mga kaklase ko no'ng nakaraang school year ay may mga kasintahan na. 

Dinadala pa nga nila sa loob ng silid-aralan, may mga dalang pagkain at minsan bitbit pa yung bag ng mga jowa nilang babae. Mga lingkod kuno na pinagsisilbihan ang kani-kanilang prinsesa.

Papasok sa eskwelahan nang sabay at uuwi rin nang sabay. Hindi kaya sila magsawa agad? Sabagay napapansin ko rin naman na pagkaraan ng dalawa o tatlong buwan ay may iba ng kasama yung iilan sa kanila. 

Napapa-isip tuloy ako kung bakit wala man lang isang taong lumapit sa akin at magtanong kung pwede akong ligawan. Tss, hindi naman ako pangit at hindi rin kasamaan ang ugali... kaso naalala ko nga pala na yung tanging lalaki na lumapit sa akin ay kinaibigan ko lang. 

Hindi ako mahilig sa pa-cute na ginagawa ng mga kaklalase ko o kaya ay yung nagpapabebe para lang malapitan. Hindi rin naman ako lantad sa mga kalalakihan dahil hindi rin naman ako papansin... pwera na lang sa tatlong magkakapatid na laging ginagawang tambayan ang kubo namin.

"Ang sarap siguro sa pakiramdam kung magugustuhan ka ng isa sa kanila," ani kambal ko na si Amaya. Yung tatlong magkakapatid ang tinutukoy niya.

Sumilip ako sa uwang ng bintana namin na gawa sa kahoy at saka umirap. "Sus. Anong masarap do'n? nakakatakot kaya."

Nagtatawanan ang dalawang magkapatid habang nakasandal sa kubo at nakapameywang. Yung panganay ay nakangisi at yung pangalawa ay halos masuka-suka na sa kakatawa.

"Bakit ka naman matatakot kung alam mo namang mapera sila. Ibig sabihin lang no'n, yayaman ka rin." Gano'n ba 'yon? Eh, hindi mo naman pera ang pera nila.

"Hindi rin. Malay mo sa umpisa gano'n lang kadali. Ibibigay sa'yo ang gusto mo, bibilhan ka ng ganito at ganiyan pero kapag nagsawa na, itataboy ka na lang na parang isang pusa na walang amo."

"Ang nega mo naman. Kung iwanan ka man, at least naranasan mo ang mahalin ng isang mayaman."

"Parang gano'n lang kadali para sa'yo pero hindi mo alam kung anong trauma ang ibibigay no'n--"

Mga kasintahan nga ng mga kaklase ko ay hindi naman mayayaman pero kung makaiyak akala mo'y nasayangan sa libo-libong libre at presyo ng gamit na nireregalo sa kanila. Hays, kung ako sa kanila, hindi ko iniiyakan mga 'yon, saka na kapag bibigyan ako ng napakalaking bahay.

Nagkibit siya ng balikat at saka ngumiti. "Edi magmahal ka na lang ulit. Ang dami-daming lalaki sa mundo." Wow, parang gano'n lang kadali sa kaniya ang magpalit ng kasintahan, ni-hindi pa nga siya nalalapitan ng lalaki. 

"Hindi naman iyon gano'n kadali--" Tinuro niya ang labas ng bintana.

"Tamang pagdedesisyon lang ang katapat niyan. Kung tatanga-tanga ka, ay mas magandang huwag ka na lang magmahal, lalo na kung marami kang pag-aalinlangan dahil baka magsisi ka pa," aniya. "Dahil ako, hindi ako magdadalawang-isip sa kanila." Tinuro niya yung bintana.  

Tumaas ang gilid ng labi ko at saka umiling-iling sa kaniya."Dahil lang sa gwapo at ma-pera, mukhang ipagkakanulo mo ang kaluluwa mo sa kanila."

Hindi ko naman pwedeng tanungin kung anong maibibigay ng kagwapuhan... Dahil may pera sila.

Thank you for reading my story! God bless!

💌This will be my new series. Los puta ama: Massimo/The fucking boss': Massimo

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon