La Estrellas 6

188 11 29
                                    


Limang araw na rin nang mapagalitan ako ni tatay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Limang araw na rin nang mapagalitan ako ni tatay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap ulit tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi niya nga tinatawag ang pangalan ko kapag uutusan niya ako, lagi siyang naka-paki.

"Bumaba na kayo at kakain na!" sigaw ni nanay galing sa baba.

"Saan ka kakain?" Tanong ko kay Amaya.

"Sa baba," sagot naman niya. Sabagay, gabi naman na.

"Dito raw ho kakain si Amaya, nay," aniko at dinugtungan ito ng tanong nang hindi ko makita si tatay sa baba. "Si tatay ho?"

Huminto siya sa pagsasalin ng danggit sa mangkok. "Pinatawag daw sa tanggapan at hanap ng Don, bakit mo natanong?"

"Wala lang ho," sagot ko pero ang totoo, nagdadalawang-isip ako kung kakausapin ko ba si tatay at hihingi ng tawad.

Isa pa, sa limang araw na iyon ay hindi rin makatingin sa akin si tatay nang diretso, siguro ay napa-isip din siya sa mga nasabi niya sa'kin. Na pwede naman akong pagsabihan nang hindi ako pinapagalitan.

Nasa baba na kaming apat, naka-upo. Nagsimula na kaming kumain nang mag alas-siete y trenta na at wala pa si tatay.

Tahimik kaming kumakain nang biglang bumukas ang pinto, niluwa nito si tatay na ngiting-ngiti at halos mapunit na ang labi. "Magandang balita!"

Napatayo si nanay nang marinig ang sinabi ni tatay. "Ano 'yon?" Nanlalaki ang mata at unti-unting lumalapad ang ngiti.

"Pinoproseso na yung papel natin sa lupa! Ang Don! Ang sabi niya ay maghintay na lang ng ilang linggo!"

Napangiti ako nang lumapit si nanay kay tatay, niyakap siya ni tatay nang mahigpit pagkatapos ay lumapit sa aming tatlo na napahinto rin sa pagkain.

"Kaunting pagtatrabaho pa," bulong niya matapos niyang halikan sa ulo si Caesar. Gano'n din ang ginawa niya kay Amaya samantalang pagdating sa akin, tingin lang ang ginawa, 'di man lang ako binigyan ng ngiti.

Sumikip tuloy ang dibdib ko habang pinapanood si tatay na nakatayo sa pagitan ng dalawa kong kapatid habang si nanay ay nakahawak sa beywang ni tatay.

Hindi man lang ako isinama sa litrato nila.

"P-papaanong pinoproseso na?" tanong ni nanay. Nakaupo na si tatay sa tabi ni nanay.

Pinapatuloy na ulit namin ang pagkain habang ang dalawa ay nagku-kwentuhan.

"Ang sabi ng Don, hindi na raw natin kailangang bayaran 'tong lupa na tinatayuan ng bahay," ani tatay, hindi nawawala ang tono ng pagkasabik.

"Kung ganoon... Hindi natin kailangan pag-ipunan ang lupa!" tili ni nanay. Pasimple niya akong sinilip at tinaasan ng dalawang kilay. Iniisip niya siguro na may tsansa pa akong makapag-scholar, sana nga ay payagan.

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon