La Estrellas 20

105 4 10
                                    

Inabala ko ang sarili sa pagkakalikot dito sa cellphone na bigay ni Mateo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inabala ko ang sarili sa pagkakalikot dito sa cellphone na bigay ni Mateo. Hindi pa alam nina nanay at tatay ang tungkol sa cellphone na ito pero alam na ni Amaya at ito nga at nakikiusyoso siya sa akin. 

"Ang sosyal naman niyang cellphone mo. Akala ko ba ayaw mo kay Mateo?"   

Inalala ko ang mga pag-uusap namin noon at kung gaano ko ka-ayaw sa lalaking iyon. "Hindi ko nga dapat tatanggapin--" 

"Oh, bakit mo tinanggap? Boyfriend mo na? Hindi mo sinabi sa'kin na nanliligaw pala sa'yo 'yon, ah? Nabalitaan ko lang no'ng sinabi ni nanay. Kaya pala umakyat si tatay nang mainit ang ulo dahil doon."  

Sinilip ko siya nang mapansing malamig ang tono niya. Nakahiga siya at nakatitig sa bubong ng kwarto. Alam ko kasi gusto ni Amaya si Mateo. Wala 'yang bukambibig noon kun'di ang lalaking iyon. 

"Ano? Boyfriend mo na ba?" 

"Boyfriend mo na ba, Amara?" pag-uulit niya nang hindi makakuha ng sagot sa akin.

"Bakit ayaw mong sumagot?" 

"Ano... Dapat M.U. lang kami--" 

"Tapos boyfriend mo na ngayon? Kailan mo sinagot?" 

Lumunok ako. "No'ng isang araw." 

Natawa siya na halata namang gawa-gawa niya lang. "Ibig sabihin ba no'n susuportahan ka niya?" 

"Sinusuportahan naman ako ni Mateo." 

"Sa gastusin natin, Amara." 

"Huh? Hindi. Boyfriend ko siya at hindi financial support." 

Tumawa ulit siya. "Kung hindi mo rin naman naisip na magagamit natin si Mateo, bakit mo pa siya sinagot? May pera yung tao, oh. Lahat ng hingin mo paniguradong ibibigay. Tingin pa lang sa'yo, hulog na hulog na--" 

"Bakit ko naman gagamitin yung tao? Hindi ko naman siya sinagot para sa pera niya." 

Humarap siya ng higa sa direksyon ko. "Tanga ka ba?" 

Kinunotan ko siya ng noo. 

"Alam mo na ngang gipit tayo tapos hindi mo pa naisip na magpatulong doon sa tao? Tignan mo ako, Amara. Anong kalagayan ang mayroon ako?" 

Saglit ko siyang sinilip. "Kaya nga ako nag-aaral nang mabuti para sa'yo--" 

"Anong para sa'kin? Ikaw ang nag-aaral nang mabuti, ako ba ang lumalawak ang natututunan? Hindi, 'di ba?"

"Nag-aaral ako nang mabuti para magkaroon ng trabaho, makapag-ipon at maipagamot ka." 

Umirap siya sa hangin at ibinalik ang kaninang pagkakahiga. "Kailan ka pa makakapag-ipon nang malaki para maipagamot ako? Baka naghihingalo na ako hindi mo pa ako naipapagamot."

Nilingon ko siya. "Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan." 

"Ni hindi mo nga alam kung ano ang nararamdaman ko. Hindi maka-alis dito sa loob, hindi makalabas, hindi makapagpa-araw, hindi makapagliwaliw. Kung ikaw ba ang nasa pwesto ko, hindi ganito ang mararamdaman mo? Kasi kung ako ang nasa pwesto mo ngayon, pamilya muna ang iisipin ko bago yung ibang tao." 

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon