"Kaarawan mo na bukas, ano gang gusto mo?" Tanong ni tatay habang nagsasalamin.
Inangat ko ang tingin kay tatay. Itinatago ang ngiti. "Pwede ho ba tayong luma--"
"Anong gusto mong pagkain? Hindi tayo makakalabas bukas dahil buong araw akong kailangan ng Don."
Napanguso ako habang itinatago ang kaunting pagtatampo. "Kahit yema cake lang ho," sagot ko kay tatay.
"Oh siya. Alis na ako," ani tatay bago tuluyang lumabas sa bahay.
Hindi napadaan ang dalawa sa kubo. Hindi naman sa hinihintay ko sila. Gusto ko rin sanang magpasalamat kaso hindi ko alam bakit takot akong makita siya.
"Si Kenzo ba hindi nakakuha nung full scholarship?" tanong ni nanay sa akin.
"Hindi ho, ako lang po ang nagsabi no'n kay Mateo. Hindi ko naman ho aakalain na sasabihin niya sa Don."
"Oh?" Gulat ni nanay. "Aba! Mabuti kung gano'n!"
Mabuti nga at hindi ko na sila maaabala sa pagbabayad ng kung anu-anong kailangan sa Tayabas. Sa kabilang banda naman, full scholarship na nga ako, ang kaso ay hindi ko pa alam kung ano ang gusto ko. Argh!
Pababa na ang araw nang lumabas ako para magpahangin sa kubo. Nagdadalawang-isip din ako kung uunahan ko ba ulit si Mateo sa pagsundo sa dalawa. Nagdadalawang-isip ako dahil gusto ko ring magpasalamat at saka... alam niya kaya na kaarawan ko bukas? Hmmn.
Nakasiklop ang kamay ko sa aking kandungan, hinihintay na masilaw sa ilaw ng Jeep wrangler ni Mateo. Hindi ko alam kung binigo ko ba ang sarili ko o si Mateo ang hindi bumigo sa akin dahil napaaga ang punta niya.
Palapit siya sa kubo nang suklayin niya ang gulo niyang buhok na mukhang galing lang sa tulog. Pansin ko rin na pahikab-hikab siya at namumungay ang mata. Naka-t-shirt lang siya at short na ang haba ay nasa taas ng tuhod.
Mabilis kong inalis ang tingin ko sa direksyon niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Muntik pang magtama ang tingin naming dalawa. "Amara," tawag niya habang prenteng nakahawak sa hamba ng pinto ng kubo.
"P-po?" Bakit ako nautal?
"Let's go," aniya.
Akmang tatalikuran ako ng magmaang-maangan ako. "Saan po?" Huh? Hindi ko rin alam kung bakit lumabas ito sa bibig ko. Alangan namang pumunta kami sa mall, sa farm nila? Edi syempre sa Road 1 ang punta namin.
"Sa Road 1?" Kahit siya ay napatanong din.
Binuksan niya ang pinto ng kotse niya. Wala siyang sinabi, minatahan lang ako.
"Salamat ho, senyor,"pagpapasalamat ko sa ginawa niya. Sinilip ko siya nang ilang saglit, hindi niya kasi yata narinig ang sinabi ko pero hindi naman iyon mahina, sapat na para marinig niya nang malinaw.
"Anong ginawa mo nitong mga nagdaang araw?" Tanong niya.
"Uhh--wala ho," sagot ko at inayos ang pagkaka-upo.
BINABASA MO ANG
Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)
RomanceAkala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas madali kaya bakit hindi na lang ito ang gawin? Ang hindi niya alam, itong desisyon niya ang mag-iipit sa sarili at dudurog sa puso niya na magbi...