La Estrellas 4

184 3 8
                                    

"Ikaw na lang ang lumabas, Amara," bulong sa akin ni nanay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ikaw na lang ang lumabas, Amara," bulong sa akin ni nanay.

"Oho," sagot ko at sumunod na sa kaniya. Ayaw ko pa sanang bumalik, ang kaso ay nasa labas na si Mateo. Naka-krus ang kamay sa dibdib. Kapansin-pansin na hindi na niya dala yung gloves at helmet niya, malamang dahil hindi na kabayo ang sakay niya.

"Senyor," paggambala ko sa pag-uusap ng dalawa. Binalingan niya ako saglit at binalik na ulit ang tingin sa matanda.

"Ano nga palang nagdala sa'yo rito?" Tanong ni Mateo sa matanda.

"Bayad ng lupa, senyor," ani matanda at nagkamot pa ng kalbo niyang ulo.

Tumangu-tango si Mateo. "Nakapag-bayad ba?" Tanong nito pagkaraan ay sumilip sa akin na nasa gilid lang niya.

Ngumiwi yung matanda sa pagkadismaya. "Ayon nga ho." At bumaling sa akin. "Apat na linggo ng hindi nagbabayad." Pahina nang pahina ang boses niya na parang nahihiya pang magsabi kay Mateo.

umangat ang kilay ni Mateo. "Wala bang tao sa kanila?"

Umiling yung matanda. "Nasa trabaho si Panchito at wala raw si Chona. Iyon ang sabi nitong dalaga." Itinuro niya pa ako gamit ang tono niyang may pagdududa.

Itinikom ko ang labi ko nang babaan ako ng tingin ni Mateo, kumunot din ang noo niya habang sinusubukang habulin ang tingin ko. Dahan-dahang niyang itinagilid ang ulo niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata at mabilis na itinaas-baba ang balikat ko.

Sila ang may-ari ng lupang tinatayuan ng bahay namin at utusan lang itong matanda. Sana man lang ay pagbigyan kami ni Mateo, sana ay huwag siyang magsalita sa kaniyang tatay tungkol sa nangyari ngayon.

Masama itong ginawa ni nanay na pagtatago sa oras ng bayarin pero kasi... wala pa kaming pambayad.

"Ang sabi ko nga ho, kako, kung hindi magbabayad ay itong anak na lang ang ibayad sa akin," aniya at tumawa. Siya lang ang natawa sa sinabi niya. Ako rito ay napayakap sa sarili ko.

Ako? Ipambabayad? hibang na ba itong matanda na ito?

Kumuyom ang panga ni Mateo habang hindi makapaniwala sa suhestyon ng matanda. Pinanliitan niya ng tingin ang kaharap niya at bahagyang itinagilid ang ulo. "Anong sinabi mo?" Tanong nito na parang hindi nalinawan.

"Kako itong anak na lang ang ibigay," Inginuso niya ako kaya napa-atras ako. Wala bang preno ang bibig nito? Hinabol ko ang tingin ni mateo, humihingi ba ng tulong.

Sinabayan ni Mateo nang tawa yung matanda. "Hindi pwede. Naririnig mo ba yung mga chismis sa kanto?" tanong niya sa matanda na napahinto sa pagtawa.

"Y-yung tungkol... ho sa ma-mga babae niyo?" Utal-utal nitong tanong, hindi makatingin nang maayos kay Mateo.

"Yup, that one." Oh? B-bakit parang...

"O-oho."

"Kung gano'n, sa tingin mo, kanino itong babaeng nasa tabi ko?" ngisi niyang tanong sa matanda. isa pa siya, tama ba iyon? Anong pakiramdam niya? Tulad ako no'ng mga babaeng naisasakay ni-- "Oo, matanda ka na, Ramon. Pagbigyan mo naman ako rito," tawa ni Mateo.

Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon