"Nakita mo na ba yung sa facebook?" Tanong niya nang makapasok kami sa loob ng classroom. Napalakas nag boses niya kaya binalingan kami ng mga kaklase ko na naandito na sa loob.
Pinagmamadali niya akong makaupo. Siya na rin ang nagtanggal ng bag ko sa pagkakasakbit nito sa akin. "Hindi pa ako nagbubukas, eh. Bakit?"
Tinampal niya ako sa braso. "Gagi ka! Magbukas ka na, bilisan mo! Bilis!"
"Bakit?" natatawa kong tanong dahil sa kakamadali niya.
"Basta!"
Dali-dali ko namang binuksan ang facebook ko dahil sa kaba. Ewan ko kung anong mayroon pero kinakabahan ako sa tuwing ganito siya tapos kapag tinanong mo pa ang isasagot sa'yo basta.
"Punta ka sa newsfeed ni Mateo."
Inangatan ko siya ng tingin. "Bakit? Anong mayroon?"
Hindi kaya iyon yung sinasabi niyang picture na naka-tag daw sa kaniya?
"Basta nga! Saka minention din pala kita ro'n. Bilis, tignan mo notification mo."
Napanguso ako nang makita ang video, pinanood namin ito at hindi pa nga natatapos ang dami na agad nasabi ng katabi ko.
Maliwanag yung video dahil may flash, nag-iikutan din ang iba't ibang kulay ng ilaw. Umikot yung video, isa-isang pinakita yung mga kasama nila. Si Tyson na pinagigitnaan ng dalawang magandang babae, parehas na mahaba ang buhok. Katabi ng babae ang tatlo pang babae at dalawang lalaki naman sa tabi nito, sa tabi naman ng dalawang lalaki ay may tatlo pang babae, sunod ay si Viviane at sa dulo ay si Mateo na may hawak ng baso. Nasa dulo siya ng pabilog na upuan.
"See? Sinong katabi? Yung anak ng mayor sa bayan! Tapos tignan mo, ha. Aakyat 'yan sa Lamesa, hahawakan kamay ni Mateo tapos itong si Mateo nagpatianod lang!"
Kumunot ang noo ko dahil sa kamay ni Viviane na nakahawak sa hita ni Mateo. Hindi ko nakita nang mabuti dahil biglang umikot yung video. Nakaharap sa kanila na naka-upo sa pabilog na upuan. Kita lahat ng kasama sa video.
BINABASA MO ANG
Las Puta Ama: La Estrellas (Under revision)
Storie d'amoreAkala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas madali kaya bakit hindi na lang ito ang gawin? Ang hindi niya alam, itong desisyon niya ang mag-iipit sa sarili at dudurog sa puso niya na magbi...