-Simula-

154 16 22
                                    

Maulap ngayon siguro ay uulan mamaya at basi na din sa balita uulan nga.Pinatay ko nalang ang TV dahil sa tawag ni ateng sa ibaba.

"Nica!kain na daw!" Sigaw niya

"Opo bababa na po!"

Sabado ngayon at kompleto kami dahil walang trabaho si papa.Naguusap na sila ng nakababa ako.Si papa nagkakape at may hawak na dyaryo habang si mama naman ay nilalagyan ng kanin ang pinggan ni papa.

" ano po gagawin natin sa Elianza ma?" Usal ko dahil doon papunta ang usapan nila.

" Uuwi tayo doon sa Elianza anak...kailan na kasing tamnan ang asukacera ngayon pati yung lola mo tumatanda nadin kailangan na bantayan at alam niyo naman magisa lang si ate Lina nagbabantay doon."

Agad na kumunot ang noo ko.

"Gusto mo bang manatili dito Nica?" Tanong iyon ni papa na agad kong tinanguan nagkatinginan sila ni mama. Agad umiling si mama.

"Uuwi tayong lahat doon. "May katiyakan na ani ni mama.Bumuntong hininga na lamang si papa at tumango.

Hindi naman kalakihan ang asukakera nila lola pero nangangamba silang baka paglumipas ang panahon ay mapabayaan ito at maibenta nalang sa iba.

"Ma paano ang pagaaral namin ni ate?" unang tanong ko.

Tumigil saglit si ate ng pagkain at inikutan ako ng mata. I am not hating the concept na tutulungan namin si lola. I just like the city kaysa sa probinsya.

"Diba ang sabi ni mama may kolehiyo naman doon? Bakit ba ayaw mong umuwi sa probinsya?"

"Pwede naman sila mama lang ah?"angal ko naman.

"Kailangan nga kasi tsaka maganda ang college doon mas malapit sa bahay ni lola. Marami rin doon magandang tanawin at mababait ang mga tao doon at matulungin" subok na kumbinsi ni ate. Parang hindi ako umuuwi doon kung magsabi siya non ah.Umuuwi naman ako pero hindi parati.Siya kasi uuwi kina lola tuwing bakasyon. Nag aaliw-aliw doon pero ako ayoko. Malawak at hindi ko tantya ang lugar at pasikot sikot doon.

"Nica, tama naman ang mama mo hindi nga pwedeng maiwan kayo dito ng ate mo at mahirap ngayon asikasuhin ang asucarera." paliwanag naman ni papa.

"Kung maiiwan kayo panigurado uuwi naman yung ate mo sa Elianza so paano ka dito? Maiiwan kang mag-isa."

"Ayos lang naman po ako nalang magisa dito pa. Hindi na naman po ako bata" maktol ko ayaw pumayag sa gusto nila.

"Nica wag na matigas ang ulo uuwi tayo doon."si mama.Ngumiwi ako.

"Papa pwede naman po dito lang ako diba?"pilit na kumbinsi ko kay papa. Bumuka ang bibig niya at alam kong papayagad niya ako sa gusto ko pero ng nagkatinginan sila ni mama ay agad na lamang siyang umiwas ng tingin.

"Nica come on...magbabakasyon ngayon wala kang kasama dito."

Suko na sa diskusyon ay tinusok ko nalang ng tinidor ang hotdog at bored na nginuya.

What nice is it in the province?Their green hills?

Si mama at papa ang nagusap patungkol sa pagalis namin. Naghabilin si papa na ayusin na namin ang gamit namin habang maaga pa.

"Sa susunod na linggo pa daw ang enrollment ng Straza Community College kaya paniguradong makakaabot tayo sa enrollment" masayang usal ni Ateng ng pumasok siya sa kwarto ko. Kumunot ang noo ko dahil sa impormasyon niya. Saan niya naman kaya nakalap yun.

"Sino naman nagsabi sayo n'yan Ateng?" At seriously talagang enrollment? So it means doon talaga kami mag aaral?

"May kaibigan ako, tinanong ko siya kung kailan ang enrollment. Sabi next week pa daw so kung uuwi tayo sa sa linggo may time pa tayo maglibot libot bago pumunta at magpa-enroll" tunog excited na paliwanag niya. Hindi na ako nagtaka. Ate with her bubbly character, marami talaga siyang maatract para maging kaibigan o higit pa sa kanya.

Twisted(Elianza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon