-Kabanata 42-

21 5 1
                                    

This is raw and unedited. 

The kids enjoy their father company kaya napagplanuhan agad nila ang gagawin ngayon linggo.Its weird...kahit minsan hindi kami nagusap sa nangyari noong nakaraan dahil busy din silang mag ama gumawa ng kung ano ano sa condo.Hindi na nga siya umuwi sa sarili niya at pinagsiksikan pa ang sarili sa condo ko.

"Mama look oh!I want to play ball"pilit ni Veron sabay hila sa akin sa isang shooting ring na pang bata.Napangiwi ako dahil sa kulit nila.Kanina pa kami ikot ng ikot dito pero parang hindi sila nauubusan ng energy.

"Baby...para sa boy yan eh?"sabi ko nalang.Ngumuso naman siya at agad na lumapit sa ama.

"Papa we should play ball" ang ama niya na naman ang kinukulit niya na agad naman nag give in sa gusto niya.Pumunta si Travis sa gilid ko kaya siya naman ang hinawakan ko.

"Nageenjoy ka ba anak?" Tanong ko ng tahimik siyang tumitig sa mga pamilya din na naglalaro.

"Mama, papa ask if you are willing to go and live to his penthouse"seryosong nakatitig niya iyon sinabi. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi pa naman namin iyon napaguusapan...Muli kong tiningnan ang mag ama sa malayo masayang dala ni Veron ang isang supot ng coins.

"Ikaw?gusto mo ba?"

My decision will always depends on their say about this. If they settle to this set up then...okay.

"What about you mama?" balik na tanong ng anak ko.Ngumuso na lang ako ng umirap siya.

"Travis...ano ba yung gusto niyo?gusto niyo ba sumama kay papa?" muling subok ko sa pagkuha ng atensyon niya.Sometimes nahuhuli ko nalang siya na nakatitig sa ama para bang menomorize niya ang bawat galaw nito.Kahit mga simpling bagay napupuna niya basta sabi o nanggaling sa ama.

"Whatever that makes you comfortable mama...I can adjust myself"nakangiti niyang tugon.My heart hurt by hearing those words.Parang ang subrang matured niya na para maging ganito ka widen ang pangunawa niya sa nangyayari. I try to meet his gaze.

"Can you grow slow Travis?"

I want to see him enjoy his childhood life without thinking matured problems like this.I want him to cry and get immatured sometimes.Hindi yung iniintindi niya na lang ang problema ko lagi.

"then don't grow old mama..."

Tanging ngiti lang ang naging tugon ko bago binalingan muli ng tingin ang mag ama ko na masaya rin naglalaro ng basketball.

Maybe some of these days mapagusapan din namin ito.

After scrolling at the mall we end our night on a fine restaurant nearby.

Makulit man ang kambal pansin ko na walang makikitang pagod sa mata ng ama nila.He's really enjoying whatever they do.Minsan napapangiwi ako kapag katabi silang tatlo.Really..Rowena screams about Javellana genes will always runs on my mind.Hawig na hawig silang tatlo na kahit isang sulyap mo hindi na ito maikakailang mag ama nga silang tatlo.

At the table we talk about random things.Kung ano ano nalang ang sumusulupot sa usapan namin.

"Papa wala ka po work?si mama kasi we always wait for her pag night na.Especially kapag may ulan nanonood kami ng news para malaman kung uuwi ba si mama basa" sumbong ni Veron.Muntik na akong masamid ng tumama ang mata namin ni Vince habang nagsusumbong ang anak.Tinaasan niya ako ng kilay para ba may inaakusa.

"We...We work at the same place baby..."sa huli pinaliwanag niya na lang din sa dalawa.

"So pag wala si mama wala rin po kayo?"si Travis naman iyon na seryosong nagtanong.

Twisted(Elianza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon