-Kabanata 14-

37 6 0
                                    

Agad akong pumasok sa room pagkatapos kong iwan si Vince sa parking lot.Ayoko naman siyang iwan doon kaso kailangan ko talagang tumakbo para lang makahabol sa presentation. Good thing ng pumasok ako ay hindi pa tinatawag ang pangalan ko. May nagprepresent na doon sa harap kaya tinanguan nalang ako ng teacher namin at pinapasok na.

"Next presentor," sabi ng instructor namin.May hawak siyang notes na nilalagyan ng pangalan at scores ng mga magprepresent.

Ikalawang nagpresent ay si Trisha.Na sinundan ng isa pa namin classmate na si Marian.

"Next."

Legit ang kaba pagkatapos ng presentation mo kaya sinaulo ko nalang ang notes na binigay ni Vince sa akin kanina.

"Ikaw na yata next presentor Nica,"bulong ni Rowena sa akin kaya agad akong napatayo.Ayaw pa naman ng terror namin ang pinaghihintay siya.Agad kong sinaksak ang usb ko sa hinandang laptop sa harap.May projector doon sa harap ng blackboard kung saan makikita mo ang iprepresent ng mas malinaw.Napakagat labi ako ng nakita kong napakababae naman ng kulay na pinili ni Vince para sa backround.The pink looks cute pero magmumukha akong adik naman sa pink pag ganoon so I quickly change it to a darker color.

Inayos ko ang boses bago hinarap ang naiinip na naming teacher.

"Good morning everyone I am your presenter for today and my topic is about Compound Stereotypes."

I acted like a pro on my own presentation kahit alam ko naman sa sarili kong hindi ako gumawa.Its so simple tanging highlighten points lang ang nilagay every slides. May mga sagot sa tanong ng naunang slide.You can make people understand the lesson smoothly.Pati ako mismo napahanga sa ginawa niya.Pati ang binatong mga tanong sa akin ay naisagutan ko ng maayos.Thanks to his notes by the way.

"Goodjob Ignacio,"masayang bungad ng teacher namin pagkatapos ng presentation ko.May iilan rin ang nagpalakpakan dahil sa magandang performance ko.Hindi ko maiitatangging nahihiya man ay masaya ako sa resulta.

I can't help but think about Vince after.Asan na kaya yun? Natulog?may pasok siya diba?Do I even know his schedule hindi naman ah?

Papunta akong sa isang stall ng muli akong tinawag ni Rowena.

"Doon na tayo sa labas kumain Nica," sabi niya. Sumulyap ako sa stall bago tumango at sumunod sa kanya.

"Sila Pearl sasama ba sa atin?"tanong ko ng palabas na kami ng gate. Tumawid kami sa kabila dahil nandoon ang karendyeryang sinasabi niya kanina.

"Nandoon na nga sila eh..Anong gusto mong ulam?Nag oorder na kasi sila," sabi niya habang may tinitipa sa cellphone niya.

"Kahit ano na lang...yung katulad nalang sayo Wena," sagot ko dahil hindi naman ako pihikan sa kakainin ko.

"Okay." sagot niya at pagkatapos ay isinilid ulit ang cellphone sa bag.

"Late ka kanina saan ka galing?"

"Hinatid namin si ateng sa terminal."

"Kasama sina Javellana no?"tanong niya kaya naalala ko naman tuloy ang ginawa ni Vince.

"Wena dito kayo!"kaway ni Michelle sa amin kaya pumunta agad kami sa pwesto nila. Hindi din naman nagtagal at hinatid na yung inorder namin.

Maaga naman natapos ang klase namin kaya maaga din kami naka paglunch buti nga din at hindi masyadong masikip ang karenderya.

"Saan kayo after lunch?"tanong ni Pearl.Ninguso naman ako ni Rowena kaya sa akin bumaling si Pearl para humingi ng sagot.

"Sa school lang."

"Sayang naman may class pa pala us no? Gusto ko sana magpasama sa mall," nakangusong sabi niya. Nagusap pa kami sa ibang bagay hanggang napagpasyahan nilang umalis doon.

Twisted(Elianza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon