-Kabanata 4-

36 8 1
                                    

Wala akong nagawa kundi ilugay nalang ang buhok ko.Nanghingi ako kina Vanessa ng pangsintas pero wala daw silang dala.Maliligo rin daw kami kaya hindi na iyon kailangan.

Nasa gilid lang ako ng malaking bato nagtatampisaw ng mga paa ko habang tinatanaw sila ateng lumangoy.Tinawag na rin nila yung ibang boys. Humalukipkip lang ako at pinagmasdan ang kawalan.May ibon doon na sa tingin ko ay nasabit sa isang bitag Mataas ang puno at hindi ko kayang abutin.Kahit gustuhin ko man tulungan ito ay wala rin akong magagawa.

I sighed.

"What are you looking at?"tanong ni Vince habang nakatayo sa gilid ko at pinagmamasdan ang sa taas.His wearing a grey vneck t-shirt and a black short. He look so fresh with his clean cut haircut.I almost look like a little girl amuse of whats infront of me kung hindi ko lang naalala ang ginawa niya kanina yun siguro talaga ang pagmumukha ko pero dahil naalala ko ang trip niya ay hindi ko siya pinansin.

"What are you looking at," his baritone voice sound sexy this time.Hindi ko mapigilan ang pagikot ng mga mata.

"Birds" ikli kong sagot at binalik ang tingin kina ate.Hindi niya siguro napansin ang paglapit ni Vince dito sa tabi ko. Kinukulit niya kasi ako lagi na pakisamahan daw ang kaibigan niya. Ayos sana kung kauri niya si Mark mas mabilis kong makasundo.

"Why?"

"Birds should be freed." I commented.

"Ayaw mo ba silang nakikita mas malapit?"

"Bakit pa kailangan ikulong diba?" tanong ko.Nagkatinginan kami.

"Hindi naman sila kinulong na sadya,may ibang dahilan bakit may hawla sa taas,sasabihan ko ang tauhan dito na palayain ang ibon."

Huminga ako ng malalim bago binalik ang mata sa tanawin.Hindi ko alam kung bakit kailangan yun ang maging sagot niya pero atleast nagkaroon kami ng matinong paguusap.Our interaction that day ended.

Umahon na din sila ate at bumalik sa kamalig .Ako naman nagisip isip sa pinagusapan namin ni ate kanina. Sure, mukha ngang tanyag ang pangalan nila. Napagtataka lang kung bakit ni minsan hindi naman ito naikwento ni papa. Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang iniisip.

Pumunta nalang ako sa nagkakatuwaan sina Caren at Jacob. Natatawa na rin sila ni ateng sa bangayan ng dalawa.Lumapit pa ako lalo kay ate nasa mahaba siyang mesa at umiinom na juice.Napansin niya ang paglapit ko kaya sinalinan niya rin ako ng maiinom.

"Ano ba naman yan renren!"si Jacob

"Ano na naman?!" Inis naman na baling ni Caren sa kanya may ipupokpok yata na kung ano sa kanya si Caren kaya natawa siya at lumayo.

"Wala ka na ngang jowa wala ka pang-"mapanuya niyang sabi habang pinadaosdos ang mata sa katawan ni Caren. Natawa sila ate dahil namula si Caren.Matalim niyang tiningnan si Jacob.

"Sige subukan mong tapusin yan ipopokpok ko talaga sa ulo mong walang laman kundi kalandian itong bato na hawak ko!" balik ni Caren kay Jacob this time ngumisi si Jacob.

"Yieeh buti nalang andito ako kaya di ka na talo niyan,"pang aalong biro ni Jacob. Inirapan siya ni Caren at hinampas.

"Hindi tayo talo di kita gusto bwisit ka!"

This time si Jacob naman ang natameme at namula.Kinantyaw pa siya ni Mark kaya lalo siyang tumiklop.Rinig ko ang pagmura ni Caren kay Jacob sabay tapon ng isang damit sa mukha nito.

Mga siraulo.

Nang dumilim ay napagpasyahan na namin ni ate umalis kasi tawag na ng tawag si mama.Hinahanap kami.

"Uuwi na po kami ma...opo"

"Vince, Vane mauuna na siguro kami?hinahanap na kami sa bahay eh,"paalam ni ateng. Nakapagpalit na ang lahat at nagliligpit na din pero siguro mauuna nalang kami.

Twisted(Elianza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon