"So we plan it all out kahapon,"paliwanag ni Caren habang nasa Coffee shop kami ng tita ni Vince.
Mainit na hapon ngayon kaya imbis na sa likod kami mamalagi ay napagpasyahan nalang na sa loob at wala rin naman gaanong tao ngayon kung meron man ay mas madalas take out ang inoorder kaya hindi rin nagtatagal sa loob. I was trying to fix my hair to put it in a ponytail yet isang kalas lang ni Vince sa buhok ko wala na napigtas na ang nagiisang rubber band na hinagilap pa ni Vanessa sa bag niya.
"Gabi ang uwi ni Reanne diba?"ani Jacob.Tumango ako. Bukas na yun actually. Kaya gusto nilang planuhan ngayon ang pwede nilang gawin at para makabili na rin ng mga kailangan.
"Oo bukas mga 6pm yata so doon nalang tayo kina Vince suggest niya yun dahil wala naman daw tao doon at may tutulong sa atin para sa surprisang gaganapin,"si Vanessa naman iyon.
Pinagpatuloy ko ang paginom ng mango shake habang nakikinig sa kanila.Nasa gilid ko lang si Vince minamaubra ang buhok ko.Minsan pinapaikot ikot niya ito sa hintuturo niya at binibitawan.Parang bata lang sinasaway ko nga pero titigil lang din ng ilang minuto at ibabalik ulit ang kamay sa buhok ko.
"Smooth and silky ba pre?" Ngising asar ni Jacob nahalata na din siguro ang ginagawa niya.Binatukan siya ni Caren kaya inakbayan niya ito.
"Magpahaba ka na din ng buhok renren naiingit nako kina Vince at Nica oh"panggagatong niya.Pinamulahan naman si Caren.
"Oh good lord,"nasapo niya ang noo sa di mapaliwanag na dahilan. Hanggang leeg niya lang kasi ang buhok niya at medyo kulot ang dulo nito.Ang cute nga tingnan at bagay sa ugali niyang tinataglay. Si Vanessa naman tahimik din nagtitipa habang busy ang lahat. Naging okay naman agad sila Vince at Mark ganoon lang daw talaga minsan si Vince kapag badtrip sa meeting niya.Buti na rin at hindi na lumala.
"Pwede na alcoholic drink diba?" tanong ni Caren nakatuon ang mata sa akin. I'm in legal age now kaya nakakapagtaka ang mga tanong nila.Tumango nalang ako.
"Pwede naman?"umiinom ako paminsan pag may nagplano pumunta sa bar pero hindi talaga ganoon kadalas. I just know na kaya kong uminom na hindi agad nalalasing.
"Umiinom ka?"medyo gulat pa na tanong ni Mark sa akin.Nagulat tuloy ako sa tropa nila.
"uh..yes..for experience lang naman para kahit paano alam ko yung lasa ng mga ganoon,"tumango siya.
"Yes exactly. Hindi naman ibig sabihin iinom ka tapos uuwing lasing.Kailangan mo din yun para hindi ka maging baguhan,"ani Caren.
"Pero hindi ka iinom, ako malalagot kay tito kapag nag amoy alak ka paguwi mo,"si Jacob
"Batas mo?"
"Sabi ko nga batas mo,"tiklop na usal ni Jacob nagkakamot ng ulo at ngumingisi ngisi nalang habang iniirapan siya ni Caren.
"Paano na ba ang surprise party na pinagplaplanuhan nyo?" pagbalik sa topic ni Jacob ng natapos asarin si Caren.Hindi ko din gets ang pa surprise party nila.Uuwi lang naman si ateng galing semenar pero nagplaplano sila ng...okay Nica wala ka yatang kaibigan na ganyan ka effort kaya feeling mo over na.You should shut up and listen to them nalang.
Kaya yun nga ang ginawa ko.Nakikinig at nilalaro ang straw ng shake sa harap ko.
"You won't be allowed to drink also,"bulong ng katabi ko. Nasa mahabang upuan kami ngayon kaya medyo nakahilig ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at umirap.
"Bakit katawan mo ba?"pang babara ko din sa kanya. He look down at my body. Biglang uminit ang pisngi ko kaya sinapak ko.
"Hoy gago!tinitingnan mo?"mahinang bulong kong pananaway sa kanya. He look at me boredly.
BINABASA MO ANG
Twisted(Elianza Series #1)
Storie d'amoreLife, whatever it gives whatever it provides is something spectacular and surprising. I am not a believer of faith nor am I hopeless romantic.I wasn't aiming for blazing love...I only want her,the feeling of us yet she became my turning point.