-Kabanata 12-

36 6 1
                                    

"Sino ba yang mga kaibigan mo Reanne?" tanong ni mama.

Nasa sala kami ngayon tapos na kumain ng hapunan.Bukas na ang lakad nila mama pauwing manila.Si ate naman ay sa susunod na araw kung papayagan siya ngayon.

"Sila Vanessa Triviño po" mababang tono na sabi ni ateng.

"Yung anak ng may ari ng Pataan falls?"pagkukumperma ni papa.Tumango naman si ate.

"Ano naman gagawin mo sa semenar na iyon?mapagiiwanan ka kung dalawang linggo ka pa mawawala," nag aalalang tanong naman ni mama.

"Hindi ma..excuse naman po ako at pwede ko po daw kunin in advance yung ibang exam at ang iba naman ay pagkatapos ng semenar kailangan po kasi dahil ako ang naatasang maging representative ng school," paliwanag ni ateng.

"Close mo ba ang mga yun Nica?"tanong naman ni papa sa akin.Tumango ako bilang sang ayon.Bumuntong hininga siya bago sila nagkatinginan ni mama.

"Bakit hindi ka nalang sumama sa amin bukas tumulak pa maynila anak?"tanong ni papa.Lumiwanag naman ang mata ni ateng dahil sa narinig.

"t-talaga po?pinapayagan nyo po ako papa?"maligaya niyang tanong.Tumango naman si papa at hinaplos ang buhok ni ate.

"Yes...anak anything for your self advancement susupportahan kita.Namin ng mama mo," hindi mapigilan ay niyakap niya si papa sa tuwa.Nakangiti naman bumaling si mama sa akin.

Maagang tumulak sila mama kinaumagahan dala nila ang pick up truck namin.Tulog pa ako kaya si ateng nalang ang naghatid sa kanila sa labas.Ate was also more jolly today kaya maaga rin kaming pumasok sa Straza Community College.

"Basta ganito Nica hah?every lunch sasama ka kina Vanessa then si Vince daw susundo sayo pauwi okay na ba?"paliwanag niya.Tumango lang ako hinayaan siya sa mga diskusyon niya.

"Hindi ako makakasama sa inyo mamaya ateng I need to search a book this lunch time sa library kailangan kasi ...kami magprepresent bukas..." sabi ko napahinto siya sa room namin.

"Sige basta mamaya mag text ka full sched mo ngayon diba?"tanong niya ulit bago ako iwan sa harap ng room namin.Tumango ako bilang sagot.Pagkatapos niyang magpaalam ay umalis na din naman siya.

Maaga pa at wala pa ang teacher sa room pero madami na rin naman ang mga kaklase ko.

I saw Trisha talking to Stephany napahinto lang ng nakita ako.Nagkatinginan sila bago tumawa.Ang weird ng tawa nila parang pilit.

Hindi nag discuss ang teacher namin dahil nga may inaasign siyang presentation para bukas ay kanya kanya kaming punta sa library.Hindi na rin naman ako nagtagal sa room dahil ang talim ng titig ni Stephany sa akin.Kinibit balikat ko nalang din iyon at pumanhik na.

"Hi"ngiting bati ni Zian sa akin.Nasa malayong sulok ako ng library ngayon. Not the same library I used to clean..Tama nga ako ng hula ko nakaraan pinagtritripan nga talaga ako ni Vince.Mahampas nga iyon mamaya.

"Hi!" Ulit nito.

May tatlong libro ako sa lamesa at may isa pang binabasa pa ngayon.Kumunot ang noo ko at tumango nalang para sa pagtugon sa kanya dahil mukhang hindi siya aalis sa harap ko pagwalang may makuhang tugon.May hindi ako maintindihan sa binabasa kaya binasa ko iyon sa ikalawang pagkakataon.

"Ano ba ang ginagawa mo?mag isa ka lang?" Sunod sunod niyang tanong kaya napatigil ako sa pagbabasa. Kunot noo siyang tiningnan.

"Ah?sa Gender and Society ba yan?"hula niya ng napansin ang mga librong nakapatong sa lamesa.Hindi na pumasok ang mga binabasa ko kaya tinigil ko nalang.

"Oo"malamig kong sagot para man lang mahimigan niyang ayoko ng presensya niya ngayon.Kailangan ko ng tapusin to o kahit man lang masimulan.

"Tungkol saan ba ang topic mo tulungan na kita"maligaya niyang tugon at binuklat pa ang isang libro sa harap.

Twisted(Elianza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon