Sinuntok ko si Vince at natural dahil may pakpak ang balita ay agad na naman napunta iyon sa tenga ni ate.
"I said Im sorry already ate,"kanina pa kasi ako nag sosorry sa kanya eh.Pero hindi niya pa rin ako kinakausap.
"napikon lang ako...ateng naman," I plead.Hindi niya pa rin ako pinansin
"Sorry na nga ateng ehh.Si Thyron kasi eh-"matalim niya akong tiningnan kaya natahimik ako.
"Sige na sige na ano ang gusto mong gawin ko ateng kausapin moko!" Pagpilit ko pa rin sa kanya
Kanina pa ako kalat ng kalat sa kwarto niya.Pagkauwi ko kasi di niya na agad ako pinansin.Cold treatment gano'n.Kaya alam ko na agad na nalaman niya ang balita. Langya kasi yung Vince na yun namemersonal eh.
"Atengggg."
Lahat na yata ng drama nagawa ko na para lang pansinin niya ako pero wala siyang ginawa kundi basahin at magsulat sa study table niya.Tutok na tutok siya don tila wala na naman naririnig.
"Makikipagbati na ko sa kanya sige na," hirit ko pa.Niyugyog ko ang balikat niya kaya nainis siya.
"Tumigil ka Nica,"pagbanta niya napalunok ako dahil sa tono ng boses niya
"Ateng naman ano ba ang dapat kong gawin sige na gagawin ko basta sinabi mo," napabaling siya sa akin.Lumiit ang mga mata at kinilatis ako.Umirap nalang ako.Ang hirap talaga suyuin nito.
"Sige..."unang sabi niya palang nagbigay na sa akin ng pag asa kaya agad ko siyang nayakap.
" ...sabihin mo sa akin bakit mo na naman siya sinuntok,"Napairap tuloy ako
"Pinagtritripan niya kasi ako ateng..."
"Pinahanap kita kahapon kay Vince tapos pagbalik sa akin may pasa na?"
"Eh namemersonal siya eh,"giit ko.
"Ano ba sinabi niya at nanununtok ka na naman?"banayad niyang tanong. Mukhang interrogator naman.Umirap ako ayoko na aalahanin.
"Tsk."
Sinundot niya ang sintido ko.
"Ayan ka na naman kasi nang aamok bigla..."pangaral niya
"Hindi ah? Siya kaya nangunguna palagi,"giit ko na naman pero mukhang hindi niya ako paniniwalaan.
"Sasama ka maglunch sa amin humingi ka ulit ng despensa sa tao," areglo ni ate sa akin.
"Sus. Lalaking tao no'n hindi niya kailangan-"pinandilatan niya ako kaya hindi ko na natuloy.
"Sabi ko nga po..Oo na po sasabay na," pagsuko ko sa kanya.
"Pero ateng paano naman sila Rowena eh sila yung kasabay ko maglunch?"problemado kong tanong.
"Araw araw mo nakakasama si Wena wag kang ano dyan...Tatakbuhan mo na naman ako," panghuhuli niya.
"Hindi ah...totoo yun,"pagdadahilan ko pa.Tumayo siya at naghanap ng pantulog na damit.
"Tapos kana sa ginagawa mo ateng?"Umiling siya.
"Hindi pa pero maliligo na muna ako para makapagisip isip ng maayos,"tumango naman ako hinayaan siya sa gusto niya.
Atleast di niya na ako binigyan ng cold treatment madali naman kasi siyang suyuin.Napangisi tuloy ako at napahilata sa kama niya.
Tumunog ang cellphone ni ateng.
Mali man ay na curious ako kaya binuksan ko.
Vince:
I'll fetch Bella 8 am tomorrow.Goodnight Reanne :)
Sweet.
Napatalon ako sa gulat ng nakita ko ang mga mata ni ate.Nagtungo iyon sa akin bago binaba sa mga kamay ko.Sa cellphone niya.Muntik ko na itong itago kahit alam ko naman nakita niya na.
BINABASA MO ANG
Twisted(Elianza Series #1)
RomanceLife, whatever it gives whatever it provides is something spectacular and surprising. I am not a believer of faith nor am I hopeless romantic.I wasn't aiming for blazing love...I only want her,the feeling of us yet she became my turning point.